Friday, April 26, 2024

PBBM, Naglabas Ng Planong Gawing Abot-Kaya Ang Mga Pataba Para Sa Mga Magsasaka

0

PBBM, Naglabas Ng Planong Gawing Abot-Kaya Ang Mga Pataba Para Sa Mga Magsasaka

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nakipagpulong sa Department of Trade and Industry (DTI) si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang itakda ang mga planong gawing abot-kaya ang mga pataba para sa mga magsasaka.

Nais ni Marcos Jr na tiyakin ng DTI na ang mga murang pataba ay magagamit para sa mga magsasaka, sinabi ng Office of the President (OP) sa isang post sa Facebook noong Miyerkules ng gabi.

“President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with DTI to iron out plans to increase the productivity of farmers by ensuring that fertilizers can be made affordable for them,” sabi ng OP sa kanilang post.

Kinumpirma ni Marcos Jr, sa kanyang opisyal na Facebook account, na nakipagpulong siya kay Trade Secretary Alfredo Pascual sa pagsisikap na maibsan ang kalagayan ng mga magsasaka at i-reboot ang industriya ng agrikultura sa bansa.

“Hangad natin na maging masigla muli ang sektor ng agrikultura kaya’t nakipagpulong tayo kay Kalihim Alfredo Pascual ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya upang tiyakin ang mas abot-kayang presyo ng abono o pataba na gamit ng ating mga magsasaka,” sabi ni Marcos.

Noong Hulyo, ipinahayag ni Marcos Jr ang kanyang hangarin na ituloy ang pag-uusap ng government-to-government (G2G) upang matugunan ang pagtaas ng presyo ng mga abono.

Sinabi rin ni MarcosJr, na siya ring namumuno ng Department of Agriculture (DA), na maaaring makakuha ang gobyerno ng mas murang pataba sa pamamagitan ng G2G deals.

Nakikipag-ugnayan siya sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para sa pagbili ng bansa ng mga pataba.

President In Action

Metro Manila