Tuesday, April 23, 2024

PBBM Nakatutok Sa Disaster Relief, Response ng Abra Quake

3

PBBM Nakatutok Sa Disaster Relief, Response ng Abra Quake

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang Magnitude 7 na lindol, na may lalim na 25 kilometro, ang yumanig sa munisipalidad ng Lagangilang, Abra at sa iba pang parte ng Luzon kaninang 8:43 ng umaga, ayon sa inilabas na Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) bulletin.

Agad namang nakipag-coordinate si President Bongbong Marcos sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga apektadong local government units (LGUs) upang makapagbigay ng tulong sa mga biktima.

“Sa kabila ng nakalulungkot na mga ulat tungkol sa pinsalang dulot ng lindol, ating sinisigurado ang maagap na pagtugon sa mga pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng sakunang ito,” nakasaad sa Twitter post ni Marcos.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, nagbabalak din umano si Marcos na bumisita sa Abra upang mag-inspect sa lugar na nasalanta ng lindol.

“He will go to all those areas where it is necessary, that his presence will be necessary. We will keep updating you as things develop,” sabi ni Cruz-Angeles. 

Photo Credit: NDRRMC

President In Action

Metro Manila