Sunday, January 19, 2025

PBBM: P20 Per Kilo Na Bigas Malapit Na

9

PBBM: P20 Per Kilo Na Bigas Malapit Na

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na malapit nang matupad ng kanyang administrasyon ang P20 bawat kilo ng bigas.

Ayon sa news release ng Presidential Communications Office, binanggit ito ni Marcos sa paglulunsad ng unang Kadiwa ng Pangulo sa Bicol Region sa Pili, Camarines Sur.

Aniya, ang programa na nagsimula bilang Kadiwa ng Pasko noong nakaraang taon ay matagumpay sa pagbibigay ng mas abot-kaya na pangangailangan para sa mga Pilipino.

“Makikita ninyo, halimbawa ‘yung bigas, ‘yung aking pangarap na sinabi na noong bago akong upo na sana mapababa natin ang presyo ng bigas ng Php20. Hindi pa tayo umaabot doon, dahan-dahan palapit. Nasa P25 na tayo. Kaunti na lang, maibababa natin ‘yan,” sinabi ng Pangulo.

“Tapos ‘yung ginawa natin, halimbawa doon sa sibuyas, ganoon din para… Biglang nagtaasan lahat eh kulang sa produksyon. Ginawa namin ay dinagdagan namin para bumaba rin ang presyo,” aniya.

Binanggit rin ni Marcos na mayroon ring kaparehas na programa ang gobyerno noong tumaas ang presyo ng asukal nang P100 bawat kilo, na P85 bawat kilo na ngayon.

Iniulat din niya na ang kanyang administrasyon ay nakapagpatayo na ng mahigit 500 Kadiwa ng Pangulo sa bansa.

Bukod sa pagbibigay ng mas abot-kayang pangangailangan sa mga mamamayan, sinabi rin ni Marcos na ang programa ay nais rin magbigay suporta sa mga magsasaka at producers para diretso sa mga palengke ang kanilang mga produkto.

“Lahat po ‘yan ay binibigyan din natin ng pagkakataon ‘yung mga maliliit na negosyo sa bawat lugar kung saan ‘yung Kadiwa para mayroon silang lugar para ipagbili ang kanilang mga produkto,” aniya.

Ang kasalukuyang programa ng administrasyong Marcos ay naglalayong suportahan ang micro, small, and medium enterprises na umahon mula sa epekto ng pandemya. 

Pinasalamatan rin ng pangulo ang Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Labor and Employment at Department of Social Welfare and Development sa pagsuporta sa programa ng kanyang administrasyon.

Nagbebenta rin ng bigas na may diskwento ang National Food Authority, habang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ay nagbebenta ng abot-kayang seafood sa mga Kadiwa outlet.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila