Sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong Miyerkules nang pangunahan niya ang pagbubukas ng bagong airport facility sa Central Luzon, na ang Pilipinas ay isang “ideal” na lugar para mamuhunan at ang gobyerno ay handang palakasin pa ang pakikipag-ugnayan sa mga potensyal na investor na gustong maglagay ng kanilang pera sa bansa, ayon sa Presidential News Desk.
Sa opisyal na pagbubukas ng New Terminal Building ng Clark International Airport, sinabi nyang, “The simple message that underlay all that we did was that the Philippines is here, we are a good place to invest, we are probably the most vibrant economy in Southeast Asia, and we understand the requirements and the needs of our potential investors, and we will do everything so that that partnership becomes to the advantage of both the private sector, the public sector, to the people.”
“And this facility is essentially a very strong signal that yes, indeed, we are open for business. We just opened a new terminal. It is state-of-the-art, and this is one of the things that we will continue to do in the future to bring you all to come and be partners with the Philippines to help the lives of our people to help the Philippine economy and para pagandahin ang buhay ng Pilipino, para pagandahin naman natin ang Pilipinas.”
Sinabi ng Pangulo na ito ang mensaheng hinahangad niyang iparating nang bumisita siya sa New York noong nakaraang linggo upang dumalo sa United Nations General Assembly at nakipag-usap sa maraming business leaders at heads of corporations.
Ipinaliwanag niya na ang layunin ay hikayatin silang pumunta at mamuhunan sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanila na bukas ang bansa sa mga pagbabago documentation, procedure, structure, and legislation.
Idinagdag ng Pangulo na ang pagbubukas ng bagong airport facility ngayong Miyerkules ay isang perpektong halimbawa ng kung ano ang maaaring maisakatuparan ng publiko at pribadong sektor kapag sila ay nagtutulungan.
Higit pa rito, sinabi niya na ang pasilidad ay magsisilbing isa pang pundasyong sa pagsisikap ng bansa na itatag ang sarili bilang logistical hub ng Asya.
“You will see nakangiti nga si Secretary Christina Frasco because now we have another facility, we have another airport kung saan makapasok ang mga turista, ang mga travelers. Not only the business — nagbubukas — the business travelers, those who are working but also those who are visiting the Philippines,” aniya.
Sinabi ng punong ehekutibo na ang kanyang administrasyon ay may mga plano na i-upgrade ang mga paliparan sa Maynila at mga kalapit na lugar at iginiit na ang bansa ay nangangailangan ng katulad na mga pasilidad upang palakasin ang industriya ng turismo.
Ngunit sa pansamantala, aniya, kailangang buksan ang mga regional airport habang nagpapatuloy pa rin ang development projects sa mga paliparan sa Manila, Bulacan, at Cavite.
“Huwag nating pinipilit lahat kailangang dumaan ng Maynila. So direct na sa Bohol, direct sa — well sa Cebu marami na talagang direct, direct sa CDO, direct sa Davao na mayroon na rin,” aniya.
“Pero ganoon para hindi na kailangan dumaan ng Maynila. Kaya’t itong ganitong klaseng project is exactly on point when it comes to the plans that we have.”
Photo Credit: Facebook/BongbongMarcos