Tuesday, October 4, 2022

PBBM, Pinag-iisipan Pa Ang Pagpataw Ng State Of Calamity Dahil Sa COVID-19

MOST READ

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inaasahang ie-extend ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang bisa ng state of calamity ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic ayon sa rekomendasyon ng mga health officials.

“It will depend on the recommendation of the [Department of Health] DOH, but we will make the announcement when the time comes,” sabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang Press Briefing noong Huwebes.

Inaabangan ang desisyon ni Marcos Jr sapagkat isang buwan na lamang bago matapos ang proklamasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ang Pilipinas ay sumailalim sa state of calamity noong Setyembre 2021.

Sa kanyang kauna-unahang State of the Nation Address, ipinangako ni Marcos Jr na hindi siya magpapataw ng restrictive lockdowns kahit tumaas ang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Nakapagrehistro naman ang DOH ng 3,181 na bagong kaso ng COVID-19 noong Miyerkules.

- Advertisement -spot_img
- Advertisement -spot_img

Latest News