Saturday, January 18, 2025

PBBM: Seafarers Kailangan Ng Dagdag Training Para Sa Green Fuel

159

PBBM: Seafarers Kailangan Ng Dagdag Training Para Sa Green Fuel

159

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kailangang i-upskill at i-reskill ang seafaring workforce ngayong balak lumipat sa green fuels tulad ng hydrogen ang mga sasakyang pandagat mula 2030 hanggang 2040, sabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nasabi ng punong ehekutibo ang panawagang ito sa kanyang pagpupulong kasama ng mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Malacañang noong Martes.

Mangagailangan ng additional training ang mga seafarer upang i-handle ang mga alternative fuel para makamit ang global decarbonization objectives, wika ni Marcos

“The seafaring industry needs to create habits top help with carbon emission reduction,” aniya.

Ang mga nangungunang organisasyon sa buong shipping value chain, na sinamahan ng pinakamalaking producer ng green hydrogen, ay lumagda noong Nobyembre 14 sa isang joint statement sa 27th Conference of the Parties of the United Nations Framework Convention on Climate Change sa Egypt, na nangangako sa mabilis na produksyon at paggamit ng mga low-carbon fuels batay sa green hydrogen para mapabilis ang decarbonization ng global shipping.

Ang shipping sector ay nag-aambag ng 3 porsyento ng mga global greenhouse gas emission at inaasahan pa itong tumaas sa 50 porsyento sa 2050 kung hindi gagawan ng aksyon.

APEC Summit

Sa kanyang pagdalo sa 29th Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Thailand, binigyang diin ng pangulo ang pag-priotize ng Pilipinas sa mga renewable energy option tulad ng hydropower, geothermal power, solar, at iba pang low-emission energy sources.

Aniya, plano ng Pilipinas itaas ang share ng renewable energy sa power generation mix ng bansa sa 35 percent sa 2030 at 50 percent sa 2040.

Dati nang panawagan ni Marcos ang pag-unlad ng mga renewable energy source upang aksyunan ang presyo ng enerhiya.

Photo Credit: Facebook/DOTrMARINAPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila