Saturday, January 18, 2025

PBBM Nais Ituloy Ang Fuel Subsidies – DBM

0

PBBM Nais Ituloy Ang Fuel Subsidies – DBM

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nais ituloy ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang fuel subsidy ngayong 2023, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Sa isang pahayag, sinabi nito na naglaan ang gobyerno ng P4 billion na fuel assistance para sa mga drayber, magsasaka at mangingisda ngayong taon. Ang pondo para sa fuel assistance ay magmumula sa Department of Transportation (DOTr) at Department of Agriculture sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act.

“As directed by President Ferdinand Marcos Jr., this administration will continue providing fuel subsidies to our kababayan, especially in the most vulnerable sectors — public transport and agriculture,” pahayag ni Budget Secretary Amenah F. Pangandaman.

“Kagagaling lang po natin sa pandemya. Naiintindihan po natin na maraming naapektuhang drivers and even our farmers and fisherfolks. We are banking on our transport and agriculture sector to boost economic recovery. And so we need to provide them the help and boost they need,” dagdag niya.

P3 billion ang inilaan sa 2023 budget sa pamamagitan ng mga fuel voucher para sa mga public utility vehicle (PUV), taxi, tricycle, at full-time ride-hailing at delivery services driver sa buong bansa.

Ang halaga na ito ay P500 million na mas mataas sa P2.5 billion na budget noong 2022 para sa programa na nagnanais na ibsan ang epekto ng mataas na presyo ng gas sa libo-libong PUV driver.

Ang pagpapatupad ng proyekto ay susunod sa guidelines mula sa DOTr, Department of Energy at DBM. Ang mga benepisyaryo ay titiyakin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Ang fuel subsidy ay sinasabing makakatulong sa halos 312,000 na magsasaka at mangingisda na may P3,000 bawat benepisyaryo para siguraduhin ang patuloy nilang pagsasaka at pangingisda.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila