Wednesday, December 25, 2024

PEKENG PINOY? Kapatid Ng Adviser Ni FPRRD, Nagtayo Ng Negosyo Gamit Ilegal Na Dokumento

2466

PEKENG PINOY? Kapatid Ng Adviser Ni FPRRD, Nagtayo Ng Negosyo Gamit Ilegal Na Dokumento

2466

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inamin ng kapatid na lalaki ng isa sa mga economic adviser ng dating pangulong Rodrigo Duterte na siya ay isang Chinese national na nakakuha ng Philippine birth certificate sa paraang ilegal. 

Saad ni Tony Yang sa hearing sa Senado, ginamit niya ang nasabing citizenship para bumuo ng mga kumpanya kasama na ang isang steel manufacturing firm kung saan umano nag-operate ang isang Philippine offshore gaming operator (POGO) sa Misamis Oriental. 

Ayon kay Tony, nakakatandang kapatid ni Michael Yang, na nagsilbing special economic adviser ni Duterte, dumating siya sa Pilipinas noong 1998 para tulungan ang kanyang lolo na patakbuhin ang mga negosyo ng kanilang pamilya.

Saad pa ni Tony, wala siyang kinalaman sa mag POGO subalit inaming nakakuha siya ng lisensya sa baril, tax identification number at Philippine birth certificate sa pamamagitan ng ilegal na paraan. Dagdag pa ni Tony, ginamit niya ang pangalang Antonio Maestro Lim para sa pagtatayo ng kanyang mga kumpanya at sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaan.

“During that time, it was my grandfather who helped me come up with this birth certificate. Maybe he did this for the convenience of (running our) businesses here,” saad ni Tony sa wikang Mandarin.

“The initial intention of my grandfather is for me to start a business here. That’s why I use my English name so that I can also apply for business permits and for other documentation that will be needed for the business,” saad pa niya gamit ang isang interpreter.

Ang kanyang paliwanag kung paano niya nakuha ang kanyang birth certificate at iba pang government-issued documents ay katulad ng sa tinanggal na alkalde ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo, na iginiit na siya ay isang natural-born Filipino kahit na may mga biometric na ebidensyang nagpapakita na siya ay isang mamamayang Tsino na ang pangalan ay Guo Hua Ping.

Samantala, sinabi ni Philippine Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Undersecretary Gilbert Cruz sa Senate hearing na si Tony ang nagpapatakbo ng mga negosyo ng mga Yang. Saad pa niya, nagtayo ang mga Yang ng sarili nitong “kingdom” sa Misamis Oriental para ikubli ang kanilang umano’y mga ilegal na gawain.

“Tony Yang is the silent, but thinking (member) among the Yang brothers,” saad ni Cruz kay Senador Risa Hontiveros. “He’s the one running the businesses of the Yangs, including a POGO, a big steel company, hotels, and rice mill,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay Cruz, kailangan ng basbas mula sa mga Yang kung may gustong magtayo ng Negosyo sa Cagayan de Oro.

Sabi pa ni Cruz, tumanggap si Tony ng 1,000 Chinese nationals para mag trabaho sa kanyang POGO na nasa loob ng Philippine Veterans Investment Development Corp. compound. Dagdag pa niya, halos kontrolado ni Tony ang Phividec industrial complex sa Tagoloan, kung nasaan ang Philippine Sanjia Steel Corp.

Inaresto si Tony sa Ninoy Aquino International Airport noong nakaraang linggo.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila