Saturday, January 11, 2025

PI As ‘Politiko’s Initiative!’ Rep. Alvarez Winakwak Ang Cha-Cha Moves

36

PI As ‘Politiko’s Initiative!’ Rep. Alvarez Winakwak Ang Cha-Cha Moves

36

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing pinuna ni dating Speaker at kasalukuyang Davao del Norte 1st District Representative Pantaleon D. Alvarez ang kamakailang pagtulak para sa Constitutional amendments sa pamamagitan ng People’s Initiative (PI), na tinawag niyang  “self-serving politiko’s initiative.” 

Kilala sa kanyang pagsuporta sa federal form of government, nagpahayag si Alvarez ng kanyang alalahanin sa ng kasalukuyang PI.

Binigyang-diin niya ang transparency at sinseridad ng mga nakaraang pagsisikap na baguhin ang Konstitusyon, katulad ng malinaw na draft ng Konstitusyon na maaring suriin ng publiko at ang mga eksperto.

“Iba noong panahon ni PRRD (President Rodrigo Roa Duterte). Malinaw yung babaguhin… Sincere at hindi makasarili yung effort. Ayan yung pinagkaiba sa ginagawa nila,” giit ng mambabatas.

Pinuna pa niya ang mga priyoridad ng administrasyon, at ipinunto ang kawalan ng direksyon at pag-unawa sa mga aksyon ng gobyerno sa mga ordinaryong mamamayan: “Hindi malinaw ano yung mga ginagawa ng liderato na makabubuti para sa – at mararamdaman ng – pangkaraniwang tao.”

Tinugunan din ni Alvarez ang tatlong pangunahing isyu na, sa kanyang palagay, ay nagdudulot ng malubhang banta sa kapakanan ng bansa. Una, pinuna niya ang desisyon ng gobyerno na isangkot ang Pilipinas sa geopolitical tensions sa pagitan ng United States at China, na naglalagay ng panganib sa buhay ng mga sundalong Pilipino na walang malinaw na pakinabang para sa bansa.

“Pangalawa, isusugal ng gobyerno ang bansa sa away ng US at China, pero ang unang sasalo niyan ay ang AFP; mga sundalo natin.”

“Pangatlo, hindi bago ang digmaan sa kasaysayan ng mundo… How can putting our people’s lives and welfare at risk, for no clear tangible and realistic gain, be in their interest?” dagdag niya.

Pinuna rin ni Alvarez ang biglaang pag-prioritize ng administrasyon sa charter change sa gitna ng mga isyu tulad ng kagutuman at mga hamon sa ekonomiya na dulot ng pandemya. Inakusahan niya ang gobyerno ng pagpilit sa mga Pilipino na suportahan ang PI sa pamamagitan ng mga signature campaign, at inililihis ang atensyon mula sa mga mahahalagang programa na pinondohan ng mga taxpayer.

“Itong PI na to, hindi to people’s initiative. Ito ay: self-serving politiko’s initiative,” bulalas niya.

Photo credit: House of Representative Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila