Pinuna ni Tutok To Win Partylist Representative Sam “SV” Verzosa ang kasalukuyang krisis sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
Sa isang privilege speech sa House of Representatives, binanggit ni Verzosa ang iba’t ibang pag-aaral at datos na nagpapakita kung paano bumagsak ang bansa sa global ranking pagdating sa edukasyon.
Kabilang sa nakaaalarmang datos na ipinakita niya ay ang IQ ranking ng mga Pilipino, na ika-111 sa halos 200 bansa. Pumapangalawa rin ang Pilipinas sa pinakamababa sa Science at Mathematics batay sa 2018 PISA o Programme for International Student Assessment , habang nangunguna sa Reading Comprehension.
“Nakakaalarma ang mga balitang ito,” pahayag ng mambabatas, “at nagpapatunay na ang Pilipinas ay nasa gitna na ng krisis sa edukasyon. If the system is not working, let us improve the system.”
Upang matugunan ang krisis, iminungkahi niya ang no homework policy na naglalayong limitahan ang takdang-aralin sa apat na oras tuwing weekdays at ipinagbabawal ang pagbibigay nito kapag weekends.
Binigyang-diin niya na ang naturang patakaran ay ginagawa na sa ibang mga bansa tulad ng Finland, China, Korea, at Japan, na may mababang oras na nilalaan sa homework ngunit mataas ang kalidad ng edukasyon.
“Base po sa mga pag-aaral ng mga international and local academic and research institutions, universities, journals and publications, 1 hour of homework per week day is enough. Anumang sobra rito ay may negligible effect at insignificant impact sa mga mag-aaral at maaaring magdulot ng stress sa kanila at kanilang pamilya,” ani Versoza.
Dagdag pa niya, “Kapag binawasan natin ang oras sa homework, magkakaroon ng dagdag oras para matuto ng life skills, social skills and practical skills ang mga estudyante at mas magkakaroon sila ng holistic development and learning experience.”
Umapela din si Verzosa sa kanyang mga kapwa mambabatas na maglaan ng oras at pondo para ihanda ang mga kabataan sa kanilang kinabukasan.
“The best way to predict the future is to create it.”
“Mayroon po tayong pagkakataon na maihanda ang ating mga kabataan sa laban ng buhay. I hope the House of Representatives – this House of the People – will take on the task of preparing our people for the future. Indeed, education is the greatest equalizer. In the end, all the money, fame, and power can be taken away, but education can never be stolen from you. Ang edukasyon lang ang tanging yaman na hindi mananakaw ng kahit sinuman,” pagwawakas niya.