Maging si Pangulong Bongbong Marcos ay hindi nakaligtas sa lupit ng mga cyber criminals na gumagawa ng deepfake audios, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).
Sa isang pahayag na inilabas ng PCO sa official Facebook page nito, sinabi nito na may kumakalat na pekeng audio kung saan pinalabas na inutusan ni Marcos and Armed Forces of the Philippines na kumilos laban sa isang foreign country.
“The audio deepfake attempts to make it appear as if the President has directed our Armed Forces of the Philippines to act against a particular foreign country.” saad nito. “No such directive exists nor has been made.”
Binigyang-diin ng PCO ang mga panganib ng deepfakes, isang teknolohiya na gumagamit ng artificial intelligence upang lumikha ng makatotohanan ngunit gawa-gawang nilalaman ng video at audio.
“The PCO is actively working on measures to combat fake news, misinformation, disinformation, and malinformation through our Media and Information Literacy Campaign,” dagdag nito.
Binanggit din ng PCO ang pakikipagtulungan nito sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Department of Information and Communications Technology, National Security Council, at National Cybersecurity Inter-Agency Committee, upang aktibong tugunan ang paglaganap at malisyosong paggamit ng video at audio deepfakes at iba pang generative AI content.
“We ask everyone to be proactive in exposing and fighting against misinformation, disinformation, and malinformation. Let us remain and be more mindful and responsible of the content we choose to share in our shared digital spaces,” pakiusap nito sa publiko.
“Let us all be more vigilant against such manipulated digital content that are deployed by actors to propagate malicious content online and advance a malign influence agenda.”
Photo credit: Facebook/pcogovph