Friday, November 15, 2024

‘PLASTIKAN’ SA SENADO! Sen. Binay Nagngitngit Sa Mga ‘Tsumugi’ Kay Zubiri

582

‘PLASTIKAN’ SA SENADO! Sen. Binay Nagngitngit Sa Mga ‘Tsumugi’ Kay Zubiri

582

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Diretsahang sinabi ni Senador Nancy Binay na nahihiwagaan siya kung bakit kailangang humingi ng dispensa ng ilang senador matapos patalsikin sa pwesto si Sen. Miguel Zubiri bilang Senate President.

Para kay Binay, tila kaplastikan ang ipinakita ng ilang senador matapos sumang-ayon na sibakin si Zubiri sa pwesto. “Maganda yung relationship namin these past seven years. Akala ko mga tunay na kabigan, hindi pala.”

Aniya, hindi naging malinaw kung bakit gusto nilang paalisin sa pwesto ang dating Senate President.

Ilan sa mga senador na na patalsikin si Zubiri ay sina Senator Alan Cayetano, Christopher “Bong” Go, Cynthia Villar, Francis Tolentino, Grace Poe, Imee Marcos, Jinggoy Estrada, Lito Lapid, Mark Villar, Pia Cayetano, Raffy Tulfo, Ramon “Bong” Revilla Jr., Robin Padilla, Bato dela Rosa, at Chiz Escudero.

“[N]akakapagtaka kasi lahat sila humihingi ng tawad, nagpapaliwanag. Bakit kailangan nilang magpaliwanag kung sa tingin nila may pagkakamali o may pagkukulang si Sen. Migz sa kanila?” pahayag ni Binay sa isang interbyu sa Radyo 630.

Hindi rin dumalo si Binay sa ginanap na dinner kasama ang ilang senador pati na rin si Pangulong Bongbong Marcos matapos ang ianunsyo ang pamumuno ni Escudero bilang bagong Senate President.

Depensa ni Binay, hindi maganda ang kanyang naging pakiramdam sa araw na iyon kaya hindi siya dumalo.

Maalalang si Binay ay isa sa anim na ka-alyansa ni Zubiri sa Senado kasama sina Sen. Loren Legarda, Joel Villanueva, JV Ejercito, Win Gatchalian, at Sonny Angara.

Ang walang sawang suporta ni Binay ay pinasalamatan naman ni Zubiri. Aniya, “Nancy, who has been loyal since day one as a friend, never waiving. Thank you, my dear. I love you dearly and your family.”

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila