Thursday, February 6, 2025

POGO PROTECTOR? Hontiveros, Bumira Sa Mga ‘Tiwaling’ Opisyal

12

POGO PROTECTOR? Hontiveros, Bumira Sa Mga ‘Tiwaling’ Opisyal

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Lumalakas ang panawagan ni Senator Risa Hontiveros na papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na may kinalaman sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at sa proteksyon kay Guo Hua Ping, o mas kilala bilang Alice Guo.

Sa inilabas na Committee Report 514, ibinunyag ang matagal nang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa human trafficking na lalong lumala dahil sa mga POGO scam hubs.

“Hindi mamamayagpag ang mga POGO o si Guo Hua Ping kung wala silang mga protektor sa gobyerno. There must be further investigation on the ties of POGO scam hubs to government officials. Kailangan ma-identify at mapanagot sila,” diin ni Hontiveros.

Bureau Of Immigration, Kinakalampag Ng Senado

Ipinag-utos din ng Senate committee sa Bureau of Immigration (BI) na agad ipaliwanag ang kanilang mga reporma para labanan hindi lang ang pagtakas ni Guo kundi pati ang diumano’y papel ng ilang tauhan ng BI sa pagpuslit ng mga POGO workers papasok ng bansa at ang illegal na pagpapadala ng mga Pilipino upang magtrabaho sa scam hubs sa ibang bansa.

“Napakatagal na na problema sa BI ang human trafficking pero hindi pa rin nasusugpo. Lumala pa nung pumasok ang mga POGO. Dapat totoong matugunan na nila ito,” giit ni Hontiveros.

Pekeng Dokumento? Kasuhan Ang Mga Sangkot!

Ipinanukala rin ng Senate report na mas mataas na parusa ang ipataw sa mga opisyal ng gobyerno na sangkot sa pamemeke ng civil registry at iba pang identification documents.

“Kung may mga opisyal sa Philippine Statistics Authority o sa Securities and Exchange Commission na tumulong sa pagpepeke sa mga dokumento ng mga illegal POGOs, they should get more than a slap on the wrist. Ang dami nilang pinahamak,” dagdag pa ni Hontiveros.

Mayor Ng Sual, Nadawit!

Isa rin sa pinangalanan sa committee report si Sual Mayor Criseldo Calugay matapos ibunyag na ang kanyang sariling staff ang tumulong sa pagpapatunay ng affidavit ni Guo kahit wala ito sa harapan.

“May mga balita na may mga lokal na pamahalaang talagang infiltrated na by POGO money. Dapat maimbestigahan at maparusahan sila. Kasi kung hindi, baka magpapatuloy lang ang mga POGO scam hubs nang hindi natin namamalayan,” babala ng senador.

POGO Scam Hubs, Mas Lalong Lumalakas

Ayon kay Hontiveros, hindi pa tapos ang laban kontra POGOs dahil mas lumalakas at nagiging mas tuso ang kanilang mga modus. Isiniwalat niya na may ilang dating empleyado ng POGO ang nailipat sa mga casino, ngunit patuloy pa rin sa kanilang ilegal na gawain.

“Ang tanong ngayon: bakit nagpapatuloy? Bakit ang lakas talaga ng loob ng mga scammer na ito? Perhaps we are not strongly addressing one of the main roots of the problem: corrupted public officials. They should be punished to the highest degree. Kung hahayaan nating ang sindikato ay nakapalibot na sa loob ng gobyerno, kawawa na naman ang Pilipino,” mariing pahayag ni Hontiveros.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila