Wednesday, December 4, 2024

Pondo Para Sa Mga Learners With Disabilities Isinusulong

0

Pondo Para Sa Mga Learners With Disabilities Isinusulong

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Titiyakin ni Senador Win Gatchalian na magkakaroon ng pondo para sa edukasyon ang mga learners with disabilities sa ilalim ng 2023 national budget.

Ito ang mariing sinabi ng senador sa isang pahayag matapos hindi aprubahan ang mahigit kalahating bilyong (P523 milyon) pisong panukalang budget para sa Special Education.

Ayon kay Gatchalian, dapat tiyakin ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Republic Act (RA) 11650 o ang “Instituting a Policy of Inclusion and Services for Learners with Disabilities in Support of Inclusive Education Act.” Sa ilalim ng naturang batas na nilagdaan noong Marso, lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan ay may mandatong tiyakin na bawat mag-aaral na may kapansanan ay may equitable access sa dekalidad na edukasyon. Nakasaad din sa batas na walang mag-aaral ang mapagkakaitan ng edukasyon dahil lang sa kanilang kapansanan.

“Maraming paraan upang mabigyan natin ng suporta ang mga kabataang may kapansanan. ‘Yan ang higit na kailangan nila ngayon lalo na’t nagdulot ng malaking hamon sa kanila ang nakaraang higit na dalawang taon ng pandemya ng Covid-19. Titiyakin nating hindi maiiwan ang ating mga mag-aaral na may kapansanan sa pagbangon ng sektor ng edukasyon,” sabi ni Gatchalian.

Binigyang diin ni Gatchalian na ang mga mag-aaral na may kapansanan ay kabilang sa mga lubos na naapektuhan ng pandemya ng Covid-19 at pagsasara ng mga paaralan. Para sa School Year (SY) 2021-2022, may mahigit isang daang libong (126,598) learners with disabilities na naka-enroll sa mga Department of Education schools, batay sa datos noong Marso 14, 2022. Ito ay mas mababa ng halos pitumpung (65) porsyento kung ihahambing sa mahigit tatlong daang libong (360,879) naitala noong SY 2019-2020.

Mandato ng RA 11650 na magkaroon ng hindi bababa sa isang Inclusive Learning Resource Center of Learners with Disabilities (ILRC) na ipapatayo at patatakbuhin ng bawat lungsod at munisipalidad sa bansa. Makikipag-ugnayan ang Education department sa pagpapatakbo ng mga ILRCs na ito na magpapatupad ng mga programa para sa inclusive education at maghahatid ng libreng support services sa mga learners with disabilities.

Bawat ILRC ay magkakaroon ng mga multidisciplinary team na bubuuin ng mga ekspertong tulad ng developmental pediatricians, physical therapists, ‘special needs’ teachers, at iba pang allied medical professionals.

Photo Credit: Senate Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila