Monday, December 23, 2024

PONDONG PINAGDAMOT? LU Gov. Rafy, Binanatan Ang SP

1356

PONDONG PINAGDAMOT? LU Gov. Rafy, Binanatan Ang SP

1356

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naging emosyonal si La Union Governor Rafy Ortega-David sa kanyang latest Facebook video matapos niyang ibuga ang sama ng loob sa Sangguniang Panlalawigan (SP) ng kanyang probinsya.

“Marami pa pong programs na hanggang ngayon, hindi pa rin biba-badyetan, hindi pa rin inaaprubahan, at hindi po ako makaisip ng rason kung bakit nila ipinagdadamot sa inyong lahat,” aniya.

Dagdag ni Ortega-David, maraming resolusyon ang kanyang opisina para sa budget ng iba’t-ibang proyekto para sa kanyang mga Kaprobinsyaan na hindi ipinasa ng SP. Kabilang na rito ang farm-to-market roads, fertilizers para sa mga magsasaka, medical kits para sa mga barangay health workers, equipment at kits para sa child development centers, livelihood assistance para sa mga market vendors at mga tricycle drivers at operators, multi-purpose vehicles sa iba’t-ibang bayan sa La Union.

Kasama na rin sa mga hindi naaprubahan ng SP ay ang mga budget para sa mga sa agricultural, health, education, tourism at infrastructure projects.

Matatandaang bago ang video na ito, nauna nang naglabas ng pahayag si Ortega-David sa umano’y usad-pagong na pagsisimula ng farm-to-market road sa bayan ng Santol sa kanilang lalawigan sa kabila nang pagpasa ng kumpletong requirements upang umusad ito sa SP.

Nanghingi ng paumanhin si Ortega-David sa kanyang mga nasasakupan lalo na sa bayan ng Santol sa pagkakaroon ng delay sa kanyang ipinangakong Ramut-Puguil Farm to Market Road Project na tatlong buwan na aniya n’yang isinusulong sa SP.

“[N]akakalungkot na sa huling session nitong buwan ng June hindi parin nila pinapasa at inaaprubahan. Dahil hindi nila ito naipasa nitong buwan, ibibigay nalang nila ito sa ibang probinsya.”

Dismayado rin si Ortega-David sa nangyari dahil hindi aniya lubos maisip kung bakit nagkakaroon ng pagkakaantala rito sa kabila ng kanilang maaga at kumpletong pagpapasa ng requirements.

“[H]indi ako makaisip ng rason kung bakit hanggang ngayon wala parin [ang approval ng proejct]. Hindi rin naman sabihin sa akin ang dahilan kung bakit, kahit man lang sana Committee Reports kung saan nakasaad ang mga ito.”

Aniya, kahit na siya ay buntis ay nagagawa niya pa rin ang kanyang tungkulin bilang opisyal ng gobyerno kaya hindi niya lubos akalain kung bakit umabot ng humigit-kumulang tatlong buwan na nakabinbin ang nasabing proyekto.

“Three months is too long just to pass a resolution that will greatly benefit our economy and the everyday lives of our kaprobinsiaan. […] Kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. Matagal pa po ang eleksyon. trabaho muna sana bago ambisyon,” mariin niyang sinabi.

Photo credit: Facebook/GovRafy

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila