Tuesday, January 21, 2025

POSIBLE BENTE PER KILO? Presyo Ng Bigas, Sureball Sa P29

1887

POSIBLE BENTE PER KILO? Presyo Ng Bigas, Sureball Sa P29

1887

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) sa pangunguna ni Assistant Secretary Arnel de Mesa ang pagbebenta ng P29 kada kilo ng bigas sa pamamagitan ng contract growing program ng National Irrigation Administration (NIA).

Ayon sa kanya, ang murang bigas ay mabibili sa mga “Kadiwa sa NIA” sites sa Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, at Caraga regions.

Ang objective nila is makapagbigay muli ng oportunidad sa mga mamimili na makapamili ng mas murang bigas dito sa mga malapit na area ng mga irrigators’ associations,” pahayag ni de Mesa.

Kumpiyansa rin siya na makatutulong ang halos bagsak-presyo ng bigas para mapababa umano ang inflation.

Ngunit ipinaalala rin ng DA official sa mga bawat consumers na ang supply ng NIA ay newly milled mula sa ani ng asosasyon ng mga irrigators at dapat limitado lamang sa 10 kilo ang maaaring bilhin ng bawat mamimili.

Paliwanag rin n’ya, ang programang ito ay bahagi pa rin ng umiiral na “P29 peso kada kilo” at “Rice for All” programs ng kanilang kagawaran na nag-aalok ng P29 per kilo ng NFA aging but good quality rice para sa vulnerable sector.

Open siya to all, pero priority pa rin iyong vulnerable,” dagdag ni de Mesa. 

Kabilang sa mga vulnerable sector ang mga miyembro ng 4Ps o Pantawid Pamilyang Pilipino Program, senior citizens, persons with disability at solo parents.  Habang ang binebentang P45 kada kilo ng pinaghalong imported at local commercial well-milled rice ay nakalaan para sa pangkalahatang Filipino consumer.

Ibinahagi rin ng DA official na mas maraming lugar ang tututukan para sa sabay-sabay na pagpapalawak ng “P29 peso kada kilo” at “Rice for All” programs ngayong buwan ng Agosto kabilang ang mga karagdagang operasyon sa mga Kadiwa sites sa Pasay, San Juan, at Malabon.

Plano rin ng Agriculture department na isama ang Cainta, Rodriguez, San Mateo, at Taytay sa Rizal, gayundin ang iba pang mga Kadiwa sites sa Cavite, Batangas, Cebu, Samar, Sulu, at Maguindanao.

Samantala, sa isang panayam sa radyo kay NIA Administrator Eduardo Guillen, binigyang-diin nito na ang naturang hakbang ay bahagi ng convergence plan ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos upang makamit ang target na food security ng bansa kasama na riyan ang maagang pamamahagi ng farm inputs at napapanahong supply ng tubig sa irigasyon sa ating mga magsasaka.

Masaya po sila [magsasaka] dahil secure iyong pagbebentahan po nila at saka mabilis po iyong tugon ng NIA sa pangangailangan nila,” aniya.

Nauna na rito, inihayag din ng NIA ang planong pagbebenta ng 10 milyong sako o 100 milyong kilo ng P29 na bigas simula ngayong buwan ng Agosto.

Photo credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila