Tiniyak ni Senador Grace Poe na sapat ang SIM Registration Law para proteksyonan ang privacy ng mga konsyumer at siguruhin ang ligtas na mobile use.
Ang kanyang pahayag ay kasunod ng petition na isinumite sa Korte Suprema para ideklara na unconstitutional ang SIM Registration Law dahil sa isyu ng privacy. Kasama rin sa petition ang panawagan na maglabas ng temporary restraining order o writ of preliminary injunction laban sa pagpapatupad ng SIM Registration Law.
“The law has instituted adequate safeguards that will vouch for consumers’ right to privacy while ensuring a safe and secure mobile use,” ani Poe.
Binanggit din niya ang kahalagahan ng batas para protektahan ang mga Pilipino laban sa scam.
“We worked hard and fought for its passage with the aim to fend off scams and spams preying on our people, and sometimes causing them financial losses and endangering their safety,” dagdag ng mambabatas.
Kinilala rin niya na ang kapalaran ng SIM Registration Law ay nakasalalay sa desisyon ng Korte Suprema.
“We respect the processes of the high court in deliberating on the petition,” pagdidiin ni Poe.