Dear San Juan Mayor Francis Zamora,
Mahigit isang linggo na nang matapos ang Wattah Wattah Festival sa inyong lungsod ngunit marami pa rin akong nababasang kwento sa social media tungkol sa mga nabiktima ng mga pasaway na residente.
Ayon sa mga nabasa ko, ang daming naperwisyo noong araw na ‘yon, kagaya na lamang noong isang ginang na may interview sana para sa trabaho abroad pero hindi natuloy dahil minalas na mapadaan sa San Juan at mabasa ng mga residente. Sa kasaamang-palad, hindi lang ang damit na hiniram niya ang nabasa kundi pati mga mga mahahalagang dokumento na ipapasa niya sa employment agency ay hindi rin nakaligtas.
Mayroon din akong nabasa na pati mga estudyante naman daw na mag-eenroll ay hindi pinatawad at binasa rin, nadamay pa pati mga school requirements nila. May bata pa raw na muntik nang malunod dahil hindi tinantanan ng mga nangbabasa.
Hindi man natin makukumpirma kung totoong lahat ng kwentong ito, masasabi kong may bahid pa rin ng katotohanan ito base sa mga naglabasng video kung saan kitang-kita ang mga residente na nagsasaboy ng tubig sa mga pampublikong sasakyan tulad ng jeep at mga rider na napadaan lamang sa San Juan.
Mayor, sana naman ay wag reactive ang local government sa mga ganitong problema. Noong pinaplano ninyo ang festival, sana ay nagbuo na kayo ng mga ganitong scenario at pinaghandaan na ninyo ng mabuti kung ano bang dapat na approach upang maiwasang makaperwisyo ang mga residente ninyo.
Kitang kita sa mga video na wala ni isang pulis or barangay tanod man lang ang naninita sa mga nangbabasa ng mga taong hindi naman gustong makisali sa festival ninyo.
Sana sa susunod na taon, kung itutuloy nyo pa rin ang festival, ay ipatupad sana nang mabuti at mahigpit ng local government ang ordinansa ninyo na magpoprotekna naman sa commuting public.
Maraming salamat.
Nagmamalasakit,
Luna Sarmiento
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.