Sunday, January 12, 2025

Programa Sa Nutrisyon Para Sa Mga Matatanda Itinutulak Ni Sen. Tolentino

21

Programa Sa Nutrisyon Para Sa Mga Matatanda Itinutulak Ni Sen. Tolentino

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain kamakailan si Senador Francis N. Tolentino ng panukalang batas na naglalayong maglatag ng isang komprehensibong programa sa nutrisyon para sa mga senior citizen sa upang palakasin ang kasalukuyang “nutritional framework” ng bansa.

Sa ilalim ng kanyang Senate Bill (SB) No. 1799 ang panukalang “Comprehensive Senior Citizen Welfare Act,” ang Department of Health (DOH) sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, non-government organizations at people’s organization ng mga senior citizen, ay dapat magtatag ng isang pambansang programa sa kalusugan at dapat magkaloob ng pinagsama-samang serbisyong pangkalusugan para sa mga matatanda.

“Good nutrition is very essential in all age groups, most especially in the elderly. It provides the energy and nutrients that would help prevent or manage certain lifestyle diseases. Unfortunately, our government has somehow been remiss in providing this comprehensive nutritional support to our elderly,” paliwanag ni Tolentino sa isang pahayag.

Ang programang nakasaad sa ilalim ng SB 1799 ay magsasanay sa mga community-based health workers na nakatutok sa mga senior citizen at iba pang medical personnel na magpakabihasa sa pangangalaga sa “geriatric care” at mga problema sa kalusugan ng mga senior citizen.

Binigyang-diin ni Tolentino na sa kabila ng pagtaas ng pinansiyal na benepisyo at pribilehiyong ipinatupad ng pambansang pamahalaan sa “ageing population” – na binubuo ng humigit-kumulang 9.2-milyong tao o humigit-kumulang 8.5 porsiyento ng kabuuang populasyon ng Pilipinas – sa pamamagitan ng Expanded Senior Citizens Act of 2010 pati na rin ang batas na nagbibigay ng karagdagang social pension para sa mga nasa indigent cluster, giit niya na hindi na sapat ang tinatamasang benepisyo sa kasalukuyan ng mga nakatatandang Pinoy dahil sa mataas na presyo ng gamot at bilihin dahil sa dinaranas ngayon na inflation.

Ang panukalang batas ay nag-uutos din sa National Nutrition Council, sa pakikipag-ugnayan sa DOH at bawat lokal na pamahalaan sa bansa na maghanda ng isang komprehensibong nutrition and wellness program para sa mga senior citizen na dapat ipalaganap at magagamit sa bawat lokalidad para sa kamalayan ng bawat senior citizen. 

Sa ilalim ng SB 1799, ang mga lokal na pamahalaan – sa pamamagitan ng kanilang local health personnel – ay magsasagawa ng regular na pagbisita sa bawat senior citizen sa kanilang nasasakupang lugar upang masiguro na pasok ang kanilang healthy diet batay sa “comprehensive nutrition and wellness program” na akma sa kanilang edad.

“At this point in time, nutrition plays a very crucial role and requires special attention as Filipinos reach old age,” dagdag ni Tolentino.

Photo credit: Philippine News Agency website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila