Sunday, January 12, 2025

Promise? Cayetano Patuloy Na Isusulong Ang 10K Ayuda

6

Promise? Cayetano Patuloy Na Isusulong Ang 10K Ayuda

6

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa ikalawang anibersaryo ng kanyang programang Sampung Libong Pag-asa noong Martes, nangako si Senador Alan Peter Cayetano na patuloy niyang isusulong sa Senado ang pagbibigay ng P10,000 ayuda para sa bawat pamilya, lalo pa’t alam aniyang may pondo ang gobyerno para dito.

“We will continue to push for it. May pera, pero hindi priority ng gobyerno to do it that way,” pahayag niya sa isang maikling Facebook live.

Inihain ng independent senator ang panukalang Sampung Libong Pag-asa Law sa kanyang pagbabalik sa Senado noong Hulyo 2022, na ngayon ay naghihintay ng deliberasyon sa committee level.

Ayon kay Cayetano, mismong ang Department of Finance ang nagsabing may P200 bilyon sa budget ang gobyerno na magagamit para ipatupad ang panukala.

Gayunpaman, aniya, mas gusto ng administrasyon na ikalat ang pondo sa iba’t ibang mga programa sa ilalim ng magkakaibang ahensya, na aniya ay hindi gaanong mahusay.

“Ang policy ng administrasyon is ilagay y’ung iba sa PhilHealth, sa AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) sa DSWD (Department of Social Welfare and Development), sa DOLE (Department of Labor and Employment), sa DA (Department of Agriculture), sa iba’t ibang program,” pahayag ng mambabatas.

“Ang mga negosyo nakabangon na, pero ang mga indibidwal hindi pa. So kung papipilahin mo pa sila sa DA, sa DSWD, et cetera, makakakuha naman pero hirap pa at hindi lahat,” dagdag niya.

Habang isinusulong ni Cayetano ang pag-apruba ng 10K Ayuda Bill sa Senado, nangako rin siya na ipagpapatuloy ang kanyang Sampung Libong Pag-asa program kung saan namamahagi siya ng tig-P10,000 sa mga piling benepisyaryo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Photo credit: Alan Peter Cayetano Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila