Wednesday, January 22, 2025

PROTEKTOR? Duterte, Pinagtakpan Umano Mga ‘Drug Lords’

2352

PROTEKTOR? Duterte, Pinagtakpan Umano Mga ‘Drug Lords’

2352

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Matinding paratang ang ibinunyag ni dating police colonel Eduardo Acierto laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte ang tumetestigo sa harap ng House Quad Committee.

Ayon sa kanya, prinotektahan ng dating pangulo ang kanyang “close friends” na sina Michael Yang at Allan Lim sa kabila ng mga ulat na konektado sila sa ilegal na droga.

Base sa intelligence report ng dating pulis noong 2017, kasabwat daw si Yang, dating economic adviser ni Duterte, at si Lim, alias Lin Weixiong, sa pagpapatakbo ng mga drug lab sa Mindanao mula pa early 2000s. 

Aniya, si Yang din ang nasa likod ng isang na-raid na drug laboratory sa Davao City noong 2004 kung saan may nasamsam na higit 100 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P300 milyon. Dagdag pa ni Acierto, hindi raw pinansin ng mga opisyal ang ulat na ito. 

Ayon pa sa kanya, si Yang ay may ugnayan sa Johnson Chua drug syndicate, na pinamumunuan ni Johnson Co na nakabase sa China.

Samantala, si Lim naman ang nasa likod ng isang drug laboratory sa Cavite na ni-raid ng Philippine Drug Enforcement Agency noong July 2018, at kung saan may nakuhang P10.4 bilyong halaga ng illegal drugs at equipment. Naaresto si Lim dahil sa nasabing raid pero pinakawalan din dahil sa technicalities. 

Pagbubuking ni Acierto, sina Yang at Lim diumano ang nag-aayos ng pagpasok ng illegal drugs sa bansa sa tulong ng mga officials ng Bureau of Customs.

Sinubukan daw ni Acierto na iparating ang mga ulat sa mga dating Philippine National Police chief na sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Oscar Albayalde, pero ayon sa kanya, walang ginawa ang mga ito sa harap ng mga paratang.

Sinabi niyang walang aksyon mula sa mga matataas na opisyal at pati siya ay napasama pa sa illegal drugs list ni Duterte noong 2018, dahilan kaya nagtago siya simula 2019. 

“Sigurado po ako dahil sa mga nangyari sa akin at nangyari sa mga kasamahan ko ay very obvious po na siya yung nag-protect, prinotektahan niya si Michael Yang at si Allan Lim,” matapang na pahayag ni Acierto.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila