Nagpahayag si ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Reyes ng pagkabahala sa posibleng banta ng pagtaas ng temperatura sa bansa at pinaalalahanan ang publiko na mag-ingat sa init sa Holy Week.
“Prolonged exposure to heat may lead to cramps, exhaustion, or worse, a potentially fatal heat stroke. We urge everyone to take precautions and be mindful of their health as we observe Lent,” aniya sa isang pahayag.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, umabot ng 45 degrees Celsius ang temperatura sa Catarman, Northern Samar noong Marso 31.
Umabot naman ng 42 degrees Celsius ang temperatura sa Dagupan City, Pangasinan at NAIA Pasay City, Metro Manila, habang ang temperatura sa Butuan City, Agusan del Norte ant Mactan International Airport sa Cebu ay umabot ng 41 degrees Celsius sa parehong araw.
“Safety is of paramount importance and extreme caution should be taken during these temperature surges,” pahayag ni Reyes.
Pinaalala rin niya sa publiko ang mga dapat gawin ayon sa Department of Health para maiwasan ang heat stroke.
Bukod sa pag-iingat laban sa mainit na panahon, sinabihan rin ng mambabatas ang publiko na panatilihin ang health and safety protocols sa gitna ng mga relihiyosong pagtitipon.Â
“Apart from the possible transmission of COVID, many of our local customs present an increased risk in the transmission of infectious diseases,” aniya.
“Let us always be mindful and watch out for our health this Lenten season. We at ANAKALUSUGAN Party-list wish everyone a healthy, safe, and blessed observance of Holy Week,” dagdag ni Reyes.