Monday, January 20, 2025

Pugad Ng Mga Pugante? POGO Service Provider Kinastigo Ni Gatchalian

150

Pugad Ng Mga Pugante? POGO Service Provider Kinastigo Ni Gatchalian

150

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tinuligsa ni Senador Win Gatchalian ang isang accredited service provider ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) dahil sa pag-empleyo ng dayuhang pugante.

Ito ang Xinchuang Network Technology sa Las Piñas, na kamakailan ay ipinasara ng Philippine Amusement and Gaming Corporation. Natuklasan na mayroong pitong dayuhang pugante, 4 na Chinese at 3 Taiwanese, ang nagtatrabaho dito.

“Isa na naman itong ebidensya na ang industriya ng POGO ay malalim na nakabaon sa mga gawaing kriminal. Maliwanag na kahit lehitimong POGO ay sangkot din sa krimen,” saad ni Gatchalian.

Binigyang diin niya na ito na ang pangalawang beses sa isang buwan na nasangkot ang nasabing POGO service provider sa mga gawaing kriminal. Bukod pa sa raid noong Hunyo 26 sa Las Piñas, mayroon ding isinagawang entrapment operation noong Hunyo 27 sa Pasay City laban sa mga dayuhang na sangkot sa kidnap-for-ransom at torture, kung saan ang ilan ay dating empleyado ng service provider.

Ito rin ang pangalawang insidente sa loob lang ng dalawang buwan na ang isang accredited service provider ng POGO ay nasangkot sa kriminalidad. Noong Mayo, ang CGC Technologies Inc., isang POGO accredited service provider ay nag-ooperate sa niraid na Sunvalley Clark Hub Corporation sa Pampanga, ay napag-alamang naghire ng mga pugante na sangkot naman sa human trafficking at iba pang online scam.

Ayon pa kay Gatchalian, ang pag-empleyo ng mga lisensyadong kumpanya ng POGO at mga accredited service provider nito ay nagpapakita lang na ang industriya ay walang pakialam sa batas. 

“Patunay ito na ginagamit lamang ng industry players ang kanilang lisensya bilang “front” upang makapagsagawa ng iba’t ibang krimen sa bansa,” aniya.

“Kapag foreign fugitives, ibig sabihin ay may warrant of arrest na sila sa ibang bansa. Dapat nakakulong sila pero nandito sila sa bansa at nagtatrabaho. Ang punto ko, ‘wag tayong tumanggap ng mga negosyo na makakasira sa atin dahil base sa mga datos at police report, ang POGO ay palaging may dalang krimen. At hanggang nandyan ang mga POGO, laganap pa rin ang krimen sa bansa.”

Umaasa rin ang mambabatas na susuportahan siya ng administrasyong Marcos sa kanyang panawagan. 

“Nag-usap na kami ng Pangulo tungkol dito. Very concerned siya sa mga krimen na nangyayari sa POGO. Sang-ayon din ang mga economic managers na kahit anong bentahe natin o promotion sa Pilipinas, kung may mga ganitong krimen ay sira tayo agad at sayang lang ang mga ginagawa natin para sa bansa,” aniya.

Photo credit: Facebook/pagcor.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila