Tuesday, January 7, 2025

PUNO NA ANG SALOP! 5 Bagong Batas Kontra POGO, EJK, Tiniyak Ng Quadcom

111

PUNO NA ANG SALOP! 5 Bagong Batas Kontra POGO, EJK, Tiniyak Ng Quadcom

111

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Limang panukalang batas ang kasalukuyang sinusulong ng House of Representatives Quad Committee (quadcom) bilang resulta ng kanilang imbestigasyon sa illegal activities na konektado sa Philippine offshore gaming operators (POGOs) at extrajudicial killings (EJKs) noong Duterte administration. Layunin ng mga panukalang ito na punan ang mga butas sa umiiral na batas na ginagamit umano ng mga kriminal na grupo upang maisakatuparan ang kanilang mga iligal na gawain.

Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, ang kahinaan ng mga kasalukuyang batas ay nagbibigay-daan sa maraming krimen sa bansa. Ani Barbers, pinag-aaralan nang mabuti ng mga local at foreign crime syndicates ang mga puwang sa batas upang magsagawa ng illegal na aktibidad.

Narito ang limang panukalang batas na inihain ng quadcom:

  • House Bill 10986 – Itinuturing ang EJK bilang heinous crime at naglalaman ng probisyon para sa reparasyon ng mga biktima.
  • House Bill 10987 – Nagbabawal sa lahat ng uri ng offshore gaming operations sa bansa at nagtatakda ng mabigat na parusa para sa mga lalabag.
  • House Bill 11043 – Pinapayagan ang civil forfeiture ng mga ari-ariang ilegal na nakuha ng mga dayuhan.
  • House Bill 11117 – Administratibong kanselasyon ng mga pekeng birth certificates na fraudulently obtained ng mga dayuhan.
  • House Bill 10998 – Nagpapataw ng parusa para sa mga nagkakasa ng sabwatan para sa espiya at iba pang kaugnay na aktibidad.

Dagdag pa ni Barbers, naghain din ang QuadCom ng mahigit 30 amyenda sa kasalukuyang batas upang mapalakas ang proteksyon laban sa pang-aabuso.

Isa sa mga natuklasang pang-aabuso ay ang tinaguriang “institutional impunity and abuse of power” noong Duterte administration.

Sa pagdinig, inamin ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng Davao Death Squad at ang reward system para sa mga pulis na sangkot sa EJKs. Inako rin niya ang “full legal responsibility” para sa mga patayan sa ilalim ng kanyang kampanya kontra droga.

Bukod dito, nabunyag ang modus ng Empire 999, isang kompanyang pagmamay-ari umano ng Chinese nationals na gumagamit ng Filipino dummies. Sangkot ito sa illegal drugs, money laundering, at organized crime.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila