Sunday, December 22, 2024

PUPUNTA O DEADMA? War On Drugs Icons, Hinahabol Ng EJK Hearing

2190

PUPUNTA O DEADMA? War On Drugs Icons, Hinahabol Ng EJK Hearing

2190

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inimbitahan ng House joint committee sina dating pangulong Rodrigo Duterte, Senador Bong Go, at Senador Ronald “Bato” dela Rosa na dumalo sa susunod na pagdinig tungkol sa extrajudicial killings (EJKs) na may kinalaman sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.

Kinumpirma ni Surigao del Norte, 2nd District Representative Robert Ace Barbers na nagpadala na sila ng imbitasyon sa tatlo noong ikalawa o ikatlong public hearing ng House of Representatives quad committee.

“May invitation na dati pa, hindi lang kay dating Pangulong Duterte, pati kina Sen. Bato at Sen. Bong Go,” aniya sa panayam sa NewsWatch Plus.

Nilinaw ng mambabatas na igagalang nila ang desisyon ng dating pangulo kung hindi ito dadalo.

“We will be honored if he attends, pero kung hindi siya darating, nirerespeto rin namin iyon,” aniya.

Para kina Go at dela Rosa, sinabi ni Barbers na posibleng magbigay ng “inter-parliamentary courtesy” sa kanila kung pipiliing hindi dumalo sa hearing dahil sila rin ay mga miyembro ng Kongreso.

Gayunpaman, binigyang-diin niyang gusto ng komite na bigyan ng pagkakataon ang mga senador na sagutin ang mga paratang laban sa kanila.

“Nabanggit ang mga pangalan nila, kaya kailangan din nilang sagutin ang mga alegasyon para patas,” ayon sa kongresista. Sinabi pa niya na hindi magiging “grilling” ang pagdinig kundi pagpapalitan lang ng ideya para mapahusay ang mga batas. 

Noong October 11, ipinasa ng House quadcomm ang House Bill 10986 o Anti-Extrajudicial Killing Act, na naglalayong gawing criminal act ang EJK at magbigay ng compensation sa mga pamilya ng mga biktima.

Ayon kay Barbers, naniniwala pa rin siya sa legacy ng war on drugs ni Duterte ngunit nilinaw niyang hindi dapat maging kapalit nito ang buhay ng mga mamamayan. Aniya, dapat ituloy ang kampanya pero hindi dapat umabot sa pagkitil ng buhay. 

Dagdag pa ng mambabatas, ang ilang kaso ng EJK ay nagmula sa pagsasamantala ng ilang opisyal at hindi lahat ay maikakabit kay Duterte. “Hindi lahat ng nangyaring EJK ay kasalanan ng dating pangulo. Ang iba riyan ay pang-aabuso ng ilang indibidwal sa PNP (Philippine National Police),” aniya.

Sa mga nakaraang pagdinig, may ilang resource persons na idiniin sina Duterte, Go, at dela Rosa sa EJKs.

Ayon sa testimonya, ang dating pangulo umano ang nag-utos na bigyan ng pabuya ang mga pulis na pumapatay ng mga drug suspects, habang si Go ang tumanggap ng mga update tungkol sa operasyon para sa reimbursement. Si dela Rosa naman ay sinabing ginamit si Kerwin Espinosa upang siraan si Leila de Lima at idiin sa drug trade.

Parehong itinanggi ng mga senador ang mga paratang laban sa kanila. Ani Go, “Kung pinuri noon ng mga tao ang drug war, bakit ngayon binabaliktad?” Samantala, si dela Rosa, na dating PNP chief, ay nanindigan na hindi sila nagsamantala sa kanilang operasyon.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila