Friday, November 15, 2024

‘PURO NGALNGAL!’ Sen. Bato Hindi Inatrasan Ang Panakot Na ICC Arrest Warrant Ni Trillanes

420

‘PURO NGALNGAL!’ Sen. Bato Hindi Inatrasan Ang Panakot Na ICC Arrest Warrant Ni Trillanes

420

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi inatrasan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga pahayag ni dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV ukol sa paglalabas ng International Criminal Court (ICC) ng warrant of arrest laban sa kanya, kay dating pangulong Digong Duterte at sa iba pang mga opisyal na konektado sa “war on drugs.”

Sa isang media conference, walang pag-aatubiling sinabi ni dela Rosa na handa siya harapin ang naka-ambang ICC warrant of arrest.

“Go ahead, make my day, Mr. Trillanes! Sige kang ngalngal [nang] ngalngal diyan ng ICC. Sige! Go ahead. Kahit sumama ka pa mag-serve ng warrant, ikaw mismo mag-posas sa akin,” aniya.

Ayon sa mambabatas, hindi siya kailanman magpapagamit sa kahit kaninuman dahil ang mga paratang sa kanya ukol sa isyu na ito ay hindi totoo. “Nakita niya ba na inutusan ako? Hindi lang dini-deny, nakakahiya po ang statement na ‘yan na inutusan ako,” dagdag pa niya.

Para kay dela Rosa, handa siyang harapin ang isyu na ito dahil alam niya na malinis ang kanyang intensyon at ang nais niya lang ay ang makakabuti para sa bansa.

“I want a stable government. I want a stable dispensation. Ayoko po na masira ‘yung ating gobyerno. Kung masira ang ating gobyerno, masisira din ang ating pamumuhay,” aniya.

Ang mga patutsada ng senador ay agad namang sinagot ni Trillianes sa isang Facebook post at sinabing puro salita lang ang senador. Aniya, dapat lang na hintayin ang paglabas ng ICC arrest warrant para magkaalamanan na sa kung sino ang sangkot sa isyu.

“Kung maka-react si Bato akala mo siya ang inapi at pinatayan. Tignan natin ang tapang nya pagdating ng ICC warrant,” pahayag ni Trillianes.

Photo credit: Facebook/OfficialPageofRonaldBatoDelaRosa, Facebook/sonnytrillanes.official

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila