Dahil sa patuloy na iringan sa West Philippine Sea (WPS), inihain ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang Senate Resolution 980 upang mapigilan ang pang-aabuso ng mga Chinese sa mga Pilipino sa pamamagitan ng maayos at diplomatikong paraan.
Maraming nang kaso ng pang-aabuso ng mga Chinese sa mga Pilipino sa WPS ang naiulat. Isa sa mga pangyayaring dokumentado ay noong Marso 23, kung saan iniulat ng Armed Forces of the Philippines na inatake ng Chinese Coast Guard gamit ang water cannon ang isang bangkang Pilipino na maghahatid ng suplay patungo sa BRP Sierra Madre, isang pansamantalang outpost militar ng Pilipinas sa Ayungin Shoal. Ayon rin sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, hinarass ng isang helicopter ng China ang grupo ng mga Filipino scientist malapit sa Pag-asa Island sa parehong araw.
Ayon kay Villanueva, ang mga kilos na ito ng China ay nagpapakita ng hindi paggalang at paglabag sa hatol ng PCA at mga batas ng United Nations Convention on the Law of the Sea.
“The foregoing acts of aggression and the Chinese government’s response display a pattern that has been consistently employed by China, notwithstanding the PCA Award and the provisions of the UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea). As in previous incidents, the People’s Republic of China has continued to ignore the PCA Award and deny the harassment and intimidation claims of the Philippines,” aniya.
Idinidiin din ng mambabatas na “concerning” ang mga nasabing insidente, lalo na’t may mga kasunduan na naganap sa pagitan nina President Ferdinand Marcos Jr. at President Xi Jinping sa San Francisco noong Nobyembre 2023.
Bago pa man ilabas ang resolusyon ni Villanueva, nagpahayag ng pagkadismaya ang ilang netizen sa social media tungkol sa senador at kanilang mga kasama. Ito ay dahil sa kanilang limitadong tugon sa pang-aabuso ng China sa mga mangingisda ng Pilipinas sa WPS. Ang pagkadismaya ay nauugnay sa pagsusuot ng mga senador, kabilang si Villanueva, Senate President Migz Zubiri, Ronald Dela Rosa, at Bong Go, ng mga t-shirt na may nakasulat na “West PH Sea” sa laban ng Pilipinas at China sa FIBA noong 2023.
Photo credit: Facebook/armedforcesofthephilippines