Saturday, November 23, 2024

Puspusan! Kamara Itinutulak Na Ang Pagpasa Ng 2024 National Budget

0

Puspusan! Kamara Itinutulak Na Ang Pagpasa Ng 2024 National Budget

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nais ng House of Representatives (HOR) na maipasa ang 2024 national budget kasabay ng natititirang priority bills ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Layunin nila bago matapos ang taon na ito ay magkaroon ng malawakang pag-uusap at maipasa ang 2024 national budget habang isinasabay ang pagpapabilis ng pag-apruba ng priority bills ng Pangulo.

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez,  ang mas malaking kamara ay magkakaroon ng dalawang pangunahing pokus para sa natitirang bahagi ng 2023, ito ay ang pagpasa sa tamang oras ng iminungkahing P5.768 trillion National Expenditure Program (NEP) para susunod na taon at aprubahan ang natitirang mga panukalang batas na itinakda bilang mga priority measures sa panahon ng 2nd Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na pinamunuan ni Marcos noong miyerkules.

“Mas lalong magta-trabaho ang inyong Kamara de Representantes sa pagbubukas ng 2nd Regular Session nitong kasalukuyang buwan na ating sisimulan sa SONA ng ating Pangulong Marcos,” saad ni Romualdez. 

“With our firm commitment to approve the remaining priority measures agreed upon during the LEDAC meetings, various House panels will continue working during committee deliberations of the proposed 2024 NEP.” 

Inilarawan naman niya ang kapulungan na nagtatrabaho nang overtime para sa komprehensibong pagsusuri ng national budget sa bisa ng mandatong  “power of the purse” kasabay ang pagsasagawa ng priority measures ng administrasyong Marcos. 

“When the House starts Plenary deliberations of the national budget, some committees may be authorized to pursue the performance of its mandate of passing vital pieces of legislation.” 

At kung gagamiting indikasyon ang pagiging produktibo ng HOR noong unang taon ng 19th Congress ay kumpiyansa si Romualdez na maisasakatuparan ng Kamara ang mga layunin nito para sa natitirang bahagi ng taon. 

“If members of the House of Representatives will work with the same passion and vigor they exhibited during the First Regular Session, I have no doubt that we can do better this time around,” pahayag niya.

Sa unang sampung buwan ng 19th Congress, nakapagproseso ang Kamara ng kabuuang 9,600 panukala, 8,490 na panukalang batas, 1,109 resolusyon, at isang petisyon, tinatayang 30 na panukala sa bawat araw ng sesyon. 

Naaprubahan din ng mga mambabatas sa pangatlo at huling pagbasa ang 33 sa 42 na panukalang batas na nakasaad bilang priority measures ng Pangulo at ng LEDAC, na bahagi ng naipasang 577 bills sa huling pagbasa, na kinabibilangan din ng P5.268 trillion 2023 national budget. 

Nakatakdang magsagawa ng panukalang gumastos ng P5.768 trillion para sa 2024 at 20 priority bills ng LEDAC ang Kongreso sa pagbubukas ng 2nd Regular Sessions bago matapos ang buwan ng Hulyo. 

Saad pa ni Romualdez,  pag-aaralan nila ang mga paraan kung paano pa mapapabuti ang proseso at sistemang kanilang ginamit noong unang regular session na nagbigay daan sa kanilang makapag apruba ng pinakamaraming panukalang batas at resolusyon habang ginagampanan nila ang mandato ng kanilang pangangasiwa. 

“Processes and systems can always be improved. I believe there are still better ways we can perform our mandate of legislation without sacrificing the quality of our work,” aniya.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila