Wednesday, January 22, 2025

Rambulan 2.0! Duterte Vs. Nograles

39

Rambulan 2.0! Duterte Vs. Nograles

39

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hindi pa rin talaga natatapos ang rambulan ng mga pamilya ng Duterte at Nograles na Davao City matapos ang mainit na batuhan ng bintang ng mga batang politiko ng bawat pamilya. 

Kailan lamang ay pinaratangan ni Davao City 1st Congressional District Rep. Paolo Z. Duterte si Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles na siyang utak at pasimuno ng “People’s Initiative” movement sa Davao City. 

Dagdag niya, ang PI movement ay “..nothing but pure PI (curse).”

Sa ilalim ng 1987 Constitution, isa ang PI sa mga pwedeng paraan para tuluyang maisagawa ang Charter change (Cha-cha). Ang iba pang paraan ay ang Constitutional Convention (Con-Con) at Constituent Assembly (Con-Ass).

Paratang pa ni Pulong na ang so-called PI na ito ay para lamang sa benepisyo ng mga naghahangad ng kapangyarihan at hindi ng taong bayan. 

“I am against this people’s initiative as this is not the people’s voice but the voice of a few who wanted to perpetuate themselves in power.” 

Pinaalalahanan pa ni Pulong ang mga Dabawenyos na mas maging matalino at huwag ibenta ang kanilang suporta sa mga “MINIONS of the person DREAMING TO BE GREAT in Congress” kapalit ng P100 o P10,000. Isa kasi sa mga kailangan para matuloy ang PI ay ang pagpapahayag ng suporta ng mga tao sa lugar sa pamamagitan ng paglagda. 

Agad naman itong pinabulaanan ni Nograles at dumepensang nasa USA siya para humanap ng mga makaka-tandem para sa kabuhayan ng mga kababaihan at makahanap ng katulong sa kaniyang adbokasiya kontra child pornography. 

Ani ni Nograles, na anak ng namayapang House Speaker Prospero Nograles, nasa Amerika siya mula pa noong Disyembre 29 at nakipagpulong sa mga alagad ng batas sa naturang bansa upang pag-usapan ang laban kontra child pornography sa Davao region. 

“I refuse to be exploited, used as a clickbait, and stay in a place which is not in line with my values and morals.”

Hindi na bago sa mga Dabawenyos ang alitan sa pagitan ng mga Nograles at Duterte dahil noon pa man ay matindi na ang away politika ng dalawang pamilya. Kinamatayan na ng matandang Nograles ang kaniyang matagal na pangarap na maging alkalde ng Davao City na siyang pinamumunuan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sinundan pa ni VP Sara Duterte noong 2010. 

Photo credit: House of Representatives Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila