Walang nakuhang suporta si Vice President Sara Duterte sa mga mayor matapos niyang batikusin at pagbantaan si President Ferdinand R. Marcos, Jr. at ang First Family. Nagpakita ng pagkakaisa ang League of Cities of the Philippines (LCP) para sa administrasyon sa pamamagitan ng isang statement na nagsasabing sila ay “categorically condemning any conduct or actions that threaten the stability of the duly constituted government led by Marcos.”
“The League of Cities stands in steadfast support of President Marcos and his administration, and we call on all leaders to prioritize the welfare of our citizens over personal disputes,” saad nito sa isang statement pirmado nina Quezon City Mayor Joy Belmonte, ang acting national president, at Bacolod City Mayor Alfredo Abelardo Benitez, ang national chairman ng nasabing grupo.
Mariin ding kinondena ng 149 miyembro ng liga ang mga umano’y aksyon ng Bise Presidente na kanilang tinawag na “reckless” at “unbecoming of her office.” Anila, hindi lang seguridad ng ating mga lider ang nalalagay sa peligro, pati ang kapayapaan at seguridad ng buong sambayanan.
Binatikos din ng LCP ang paggamit ng mga pampublikong pondo para sa personal na atake. Hinimok nila si Duterte na ipakita ang propesyonalismo at respeto, lalo na’t siya ay kinatawan ng sambayanang Pilipino.
Dagdag pa ng grupo, dapat itigil na ang inflammatory rhetoric at divisive conduct. Nanawagan sila sa mga opisyal ng gobyerno na iwasan ang mga pahayag na nagdudulot ng tensyon o naghihikayat ng karahasan.
Dagdag pa ng LCP, “Any threats to their security will be met with the full force of the law. The League of Cities will not tolerate acts or rhetoric that sow division, incite violence, or undermine the sanctity of public service.”
Photo credit: Facebook/PHcities