Tinaasan ng Kongreso ang badyet ng dalawang mega child feeding program ng gobyerno, mula P7.48 bilyon noong nakaraang taon sa P10.89 bilyon ngayong 2023, ayon kay House Deputy Speaker Ralph Recto.
Mula sa P3.32 bilyon noong 2022, ang pondo para sa “School-Based Feeding Program” ng Department of Education (DepEd) ay tumaas sa P5.69 bilyon sa pambansang badyet ngayong taon.
“DepEd will not only feed the mind, but the body as well. Nutrition impacts learning. Para magkalaman ang isipan, dapat may laman ang sikmura,” sinabi Recto sa isang pahayag.
Sinabi ng DepEd sa budget presentation nito sa Kongreso na 1.7 milyong mag-aaral ang makikinabang sa naturang badyet.
Ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), sa kabilang banda, ay makakakuha ng P5.2 bilyon para sa “ Supplementary Feeding Program,” mula sa P4.16 bilyon noong nakaraang taon. Ito ay magiging sapat upang pakainin ang 1,754,637 batang edad dalawa hanggang lima sa mga komunidad.
“That is almost 200 million meals served by DSWD alone … In effect, VP [Vice President] Inday [Sara Duterte) and [Social Welfare and Development] Secretary Rex [Gatchalian], in addition to what’s on their plates, will have to play the role of master chefs in this nationwide catering operation,” dagdag ni Recto.
Bilang karagdagan sa pagtulong sa mga batang kulang sa pagkain at nutrisyon, ang dalawang programa ay maaaring magamit sa pagtulong sa mga lokal na magsasaka at prodyuser ng pagkain, aniya.
“Kung ganyan kalaki ang food shopping money mo, pwede mong bilhin sa tamang presyo ang mga produkto ng mga magsasaka na binabarat kaya nabubulok lang… With the community participating, then indeed it takes a village to feed a child,” ayon sa mambabatas.
Ngunit sinabi ni Recto na ang school-feeding program ay dapat na “ tweaked ” upang hindi ito magiging isang karagdagang pasanin sa mga guro.
“The call of VP Sara for more support personnel in her agency is correct. There are limits to teacher multitasking – and that has been reached,” aniya.
Sa kanilang pinagsamang badyet na P10.89 bilyon para sa child feeding, sinabi ni Recto na ang DepEd at ang DSWD ay magsisilbing “a safety net that will catch children who fall in between the hunger cracks widened by the gap in household income and food prices.”
Sa kanilang survey noong Disyembre 2022, ibinunyag ng Social Weather Stations na bahagyang tumaas ang hunger rate sa Pilipinas sa 11.8% mula sa 11.3% noong Hunyo 2022, na nakakaapekto sa humigit-kumulang tatlong milyong pamilyang Pilipino.
Bago pa ito palalain ng COVID-19, nasa 29 porsyento na ang prevalence ng undernutrition sa mga batang Pilipino na wala pang 5 taong gulang.
Photo credit: DSWD official website