Thursday, December 5, 2024

Regional Heart Centers, Kidney At Transplant Institutes Isinusulong Ni Padilla

0

Regional Heart Centers, Kidney At Transplant Institutes Isinusulong Ni Padilla

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Naghain si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ng panukalang batas na magpapatayo ng mga Regional Heart Center (RHC) at Regional Kidney Transplant Institutes (RKTI) sa bansa para matiyak na makakakuha ng sapat na paggamot sa puso at bato (kidney) ang mga Pilipino sa malalayong lugar – lalo na ang mga mahihirap. 

Sa Senate Bill 1361 na magpapatayo ng RHCs, ipinunto niya na ang mga pasyente sa mga probinsya ay nahihirapang makakuha ng mataas na antas ng cardiac care dahil ang nag-iisang specialty hospital, ang Philippine Heart Center, ay nasa Maynila.

“Filipinos living near the metropolis have a greater advantage in accessing specialized care from the Philippine Heart Center. Meanwhile, patients coming from rural provinces are to some extent deprived of the same quality of cardiac care that the specialty hospital provides. They also have to spend a fortune to travel to Manila for the treatment of complex cardiovascular cases,” ani Padilla.

“It is in this regard that this bill aims to create one Regional Heart Center in each of the administrative regions in the country to ensure that equal access and privilege to avail of specialized and quality cardiac care is extended to a larger population of Filipinos,” dagdag niya.

Ayon sa mambabatas, ang sakit sa puso ay nananatiling nangungunang dahilan ng kamatayan sa Pilipinas – nitong 2020, tinatayang 150,000 ang namatay dahil dito.

Sa ilalim ng panukalang batas, itatayo sa bawa’t rehiyon ang RHC na may sapat na cardiac care equipment at medical supplies, at may professional heart specialists. Titiyakin ng mga RHC ang abot-kaya na paggamot sa mga maralita.

Kasama sa mga tungkulin ng mga RHC ang pananaliksik para mapigilan ang cardiovascular diseases; pagsulong ng public awareness sa isyu; at pagsasanay ng physicians, nurses, medtechs, health officers at social workers.

“The creation of these Regional Heart Centers will not only unburden the Philippine Heart Center located in the National Capital Region but will also improve the access of patients from provinces to avail of immediate and affordable cardiac care. This is to achieve our ultimate goal of lowering the deaths associated with heart diseases in the long run,” ayon kay Padilla.

Samantala, sa Senate Bill 1362 na magtatayo ng RKTIs, ipinunto niya na isang Pilipino ang namamatay kada oras dahil sa kidney failure – higit 7,000 kaso ng kidney failure ang naitatala kada taon. Pataas din ang trend ng kaso ng kidney diseases base sa benefit claims sa Philippine Health Insurance Corp. para sa dialysis sessions na umabot sa P14 bilyon sa 2021 kumpara sa P6.3 bilyon noong 2015.

Ayon sa kanya, dagdag na gastos at oras ang haharapin ng mga nasa probinsya dahil ang National Kidney and Transplant Institute na nag-iisang specialty institute ay nasa Metro Manila – kung kaya’t isinusulong ng Senate Bill 1362 ang pagtayo ng RKTIs.

Kasama sa mga tungkulin ng mga RKTI ang pananaliksik para mapigilan ang kidney diseases; pagsulong ng public awareness sa isyu; at pagsasanay ng physicians, nurses, medtechs, health officers at social workers.

“The creation of RKTI will also unburden the patients from the provinces of the additional costs associated with long-distance travel. The same resources can be used for their other basic needs to sustain life. It is envisioned that by bringing specialized kidney care services closer to patients, more lives will eventually be saved,” aniya.

Photo Credit: Senate of the Philippines Official Website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila