Ayon sa ulat ng Philippine News Agency, pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang publiko nitong Martes na ang Register Anywhere Project (RAP), na nakatakda para sa pilot-testing sa susunod na linggo, ay limitado lamang sa mga bagong botante at mga nais maglipat ng kanilang rehistro.
Base sa Comelec Resolution No. 10869, na inaprubahan ng Commission en banc, ang mga aplikasyong ito ay tatanggapin sa RAP booths, na unang makikita sa limang malls sa Metro Manila.
“The Commission shall initially implement the RAP by conducting pilot testing, where only applications for New Registration and Transfer from Another City/District/Municipality shall be accepted,” dagdag nito.
Ang mga kwalipikadong aplikante sa Pilipinas ay maaaring magparehistro para sa proyekto sa pamamagitan ng pagsusumite ng application form, documentary requirements, at pagkuha ng kanilang biometrics on-site. Kasunod nito, ang mga inaprubahang dokumento at biometric data ay ipapadala sa Office of the Election Officer sa distrito, lungsod, o munisipalidad kung saan nakatira ang aplikante.
Ang RAP pilot test ay magaganap tuwing Sabado at Linggo mula Disyembre 17, 2022 hanggang Enero 22, 2023. Ang kanilang mga unang lokasyon ay ang SM Fairview sa Quezon City, SM Mall of Asia sa Pasay City, SM South Mall sa Las Piñas City, Robinsons Place sa Manila, at Robinsons Galleria sa Quezon City.
Walang gaganapin na registration sa Disyembre 24, 25, and 31, 2022, at Enero 1, 2023.
Ang poll body ay bumuo ng limang RAP teams sa National Capital Region (NCR). Ayon sa Comelec, “Each RAP team shall be designated as a remote reception point of all OEOs (Offices of Election Officer).”
Ang bawat team ay bubuuin ng hindi bababa sa dalawang tauhan upang tumanggap at magproseso ng mga aplikasyon at makapanayam ang mga aplikante; isang acting election officer, na dapat bigyan ng awtorisasyon na mangasiwa ng panunumpa ng mga aplikasyon sa lugar.
Mayroon ring isang laptop operator para sa National List of Registered Voters, hindi bababa sa limang Voter Registration Machine operator, dalawang tao na namamahala sa crowd control, at hindi bababa sa isang miyembro ng Comelec Organic Security Force.
Photo Credit: Facebook/comelec.ph