Tuluyan nang umupo bilang bagong kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) si dating Cavite Governor Juan Victor “Jonvic” Remulla matapos manumpa kay Pangulong Bongbong Marcos.
Si Remulla ay mahigit tatlong dekada na sa serbisyo publiko. Nagsimula siya bilang board member ng Second District ng Cavite, at naging vice governor noong 1998 na umabot ng tatlong termino.
Bilang governor ng Cavite, nakapaghatid siya ng pantay-pantay na serbisyong pangkalusugan, edukasyon, pabahay, at mga programang pangkapayapaan at pang-disaster resilience sa kanyang probinsya.
Si Remulla ay nagtapos ng Philosophy sa University of the Philippines Diliman, at kapatid ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla at dating journalist na si Gilbert Remulla.
Kasabay ng pagtalaga kay Remulla sa DILG, si Vice Governor Athena Bryana Delgado Tolentino na ang bagong gobernador ng Cavite. Sa edad na 26, siya na ang pinakabatang gobernadora at unang babaeng nanungkulan sa Cavite.
Si Tolentino ay anak ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino at pamangkin ni Senate Majority Leader Francis Tolentino. Nangako siyang ipagpapatuloy ang mga nasimulang proyekto ni Remulla sa probinsya.