Isinulong ni San Jose del Monte Representative Florida Robes na ideklara ang buwan ng Pebrero bilang “Buwan ng Nag-uusap Na Pamilya” para sa mental health awareness ng pamilyang Pilipino.
Nais niya na maging aktibo ang gobyerno na harapin ang pagtaas ng kaso ng mental health problems sa mga kabataan.
Iminungkahi ng mambabatas na magkaroon ng multi-agency task force para pamunuan ang mga programa at gawain na makakapagbigay ng mental health awareness sa mga pamilya sa komunidad.
Sa isang privilege speech ngayong Martes, itinulak niya na magkaroon ng malawakang interbensyon ang gobyerno dahil sa pagtaas ng mga kaso ng depression, suicide, at iba pang mga mental health disorder sa mga kabataan.
“As a mental health advocate, I believe in a practical and manageable solution to prevent and avert the loss of lives brought about by the invisible pandemic of depression and suicide. The recurring theme in these suicide stories is the lack of effective communication among members of the family,” binanggit ni Robes.
Isinaad rin niya na may 17 porsyento ng 13 hanggang 17 anyos na kabataan ang nagtangka ng suicide noong nakaraang taon base sa isang pag-aaral ng Global School-Based Student Health Survey Philippines.
“Ironically, the quarantine restrictions at the start of the pandemic kept parents and their children in the confines of their home but still many families failed to address issues on depression and suicide. The 2021 Young Adult Fertility and Sexuality Study revealed that symptoms of depression among our youth spiked from 2013 to 2021,” pahayag ng mambabatas.
Hinimok rin niya ang mga ahensya ng gobyerno, gaya ng Department of Education, Department of Health, Department of Social Welfare and Development, at Philippine Commission on Women and Children ang paggawa ng mga programa at gawain na makakapagbigay ng mental health awareness sa mga pamilya at magsimula ng mga pag-uusap sa pagitan ng mga magulang at kanilang mga anak.
“‘Nak, usap tayo…” are three simple words that may make our children feel: they are valued and loved; their voices are important and deserve to be heard; they have someone to lean on during the difficult and trying times of their lives; that healing starts in the family; and that a beautiful world is possible,” ayon kay Robes.
Hinimok din niya ang mga magulang na makipag-usap sa kanilang mga anak bago pa mahuli ang lahat.