Iminungkahi ni Quezon City Second District Representative Ralph Tulfo na ang government savings ay maaaring gamitin sa libreng sakay upang maibsan ang epekto ng mga bagong pagtaas ng pamasahe, inflation, at presyo ng gasolina.
“Ikinalulungkot ko ang pagtaas pamasahe sa iba’t ibang pampublikong sasakyan. Bagaman batid kong kailangan ito upang makaagapay ang mga driver at operator sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pabigat naman ito sa mga mahihirap, nagtatrabaho, at mga MSMEs (micro, small and medium enterprises),” aniya sa isang pahayag.
Sinabi ni Tulfo na sa isang iglap na desisyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, malaking halaga agad ang nabawas mula sa ipinatupad na umento sa minimum wage at dagdag sa patuloy na epekto ng inflation sa pang-araw-araw na budget ng pamilyang Pilipino.
Kulang rin ang libreng sakay sa light rail na limitado lang sa mga estudyante at ang mangilan-ngilang libreng pamasahe sa ilang unit ng bus carousels sa EDSA.
Marami rin sa mga ka-distrito nya sa Quezon City ang tiis-pagod sa pagbibisikleta o paglalakad makarating lang sa kanilang mga pinagtatrabahuhan.
Dahil dito, nakikiusap si Tulfo sa sa national government na ang mga savings nila sa kanilang mga budget ngayong 2022, ay ilaan na libreng sakay at ibalik nila ang savings sa general fund ng National Treasury upang doon maaaring kunin ng Department of Transportation ang dagdag budget ng Libreng Sakay at service contracting sa mga bus at public utility jeepneys.
Nanawagan rin siya sa iba’t ibang ahensya ng national government na sila ay gumawa ng kaunting sakripisyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang 2022 na ipon pabor sa Department of Transportation Libreng Sakay dahil ang limitadong libreng sakay para sa mga mag-aaral sa light rail ay hindi sapat upang sugpuin ang epekto ng pagtaas ng pamasahe sa transportasyon, mataas na presyo ng gasolina, at inflation.
“I am also concerned for dependents of OFWs (overseas Filipino workers) and other overseas Filipinos who expect remittances from loved ones based in North America and Europe because our kababayans there are suffering from even much higher inflation and interest rates than what we have here in the Philippines. They will try their best to send remittances despite their financial worries but we can’t avoid not feeling their suffering,” aniya.
Photo Credit House of Representatives Website