Saturday, November 23, 2024

Reporma Ang Kailangan! Hontiveros Hinggil Sa Bawas Singil Sa Kuryente

9

Reporma Ang Kailangan! Hontiveros Hinggil Sa Bawas Singil Sa Kuryente

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Isang reporma ang iginigiit ni Senador Risa Hontiveros sa Energy Regulatory Commission (ERC) para mapagaan ang pasanin ng mga konsyumer. 

Ayon sa kanya, ang bawas-singil sa kuryente ng Manila Electric Company (Meralco), ay kakarampot at pansamantala lamang, at posible pa raw itong maibaba kung seryoso ang gobyernong magpatupad ng mahahalagang reporma sa sektor ng enerhiya. 

“Ang pagbaba ng singil sa kuryente ay talaga namang mangyayari dahil bumaba rin ang presyo ng imported coal sa world market. Kaya ang tanong, hanggang kailan matatamasa ng konsyumer ang mas mababang singil sa kuryente? Hindi ito permanente.” 

Ito ang pahayag ni Hontiveros hinggil sa P0.72/kWh na pagbaba sa singil na inanunsyo ng Meralco para sa buwan ng Hulyo, dulot ng pagbaba ng generation rate na natanggap nito mula sa Wholesale Electricity Spot Market at sa mga kontrata nito sa local coal plants. 

Binigyang punto rin niya na bukod sa generation charge ay mayroon pang hiwalay na items sa singil sa kuryente na maaari pang mabawasan at magkaroon ng  pangmatagalang epekto gaya ng distribution charge ng Meralco at transmission charge ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

“Isang reporma na matagal ko nang iginigiit sa Energy Regulatory Commission (ERC) ay ang pagpapababa sa napakataas na 15% weighted average cost of capital (WACC). Mula pa 2015 ito pinakikinabangan ng Meralco at NGCP. Kung maitatama ito, tiyak na may bawas din sa distribution at transmission charges at mapapagaan ang pasanin ng mga konsyumer.”

Dagdag pa ng mambabatas, bukod sa reduction sa WACC ng Meralco at NGCP, dapat magtuon ng malaking atensyon ang ERC at Department of Energy sa pagtatama at pagbabantay sa power supply agreements sa pagitan ng mga generation companies at distribution utilities, gayundin ang optimization at pagsasaayos ng system operations dahil direktang naipapasa sa mga konsyumer ang mabigat na epekto ng madadayang kontrata, power shortage, at delayed na mga proyekto sa transmission. 

“The government should be proactive in implementing policy changes that would permanently and sustainably reduce our consumers’ electricity bills.”

Hinimok din niya ang Administrasyong Marcos na unahin ang pagtutuwid ng mga maling kalakaran sa industriya ng kuryente, at sinabing inaasahan niyang marinig ito mula sa Pangulo sa kaniyang ikalawang State of the Nation Address sa Hulyo 24. 

“Matagal nang nakabinbin ang mga repormang ito. Nasa harap na ang solusyon, kikilos na lang para maipatupad ito. Umaasa ako na gawing prayoridad ang anumang makakapagpagaan sa pasanin ng ating mga mamamayan at hindi ang interes ng iilan lang.” 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila