Wednesday, January 22, 2025

Resigned! Pagbibitiw Ng Mga Pulis Na Dahil Sa Illegal Drugs, Tinanggap ni PBBM

33

Resigned! Pagbibitiw Ng Mga Pulis Na Dahil Sa Illegal Drugs, Tinanggap ni PBBM

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tinanggap na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resignation ng 18 third-level officers ng Philippine National Police (PNP) na sangkot umano sa mga aktibidad sa ilegal na droga base sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nag-imbestiga rito.

Sa isang liham kay Marcos, ipinaalam  ni PNP Chief Benjamin Acorda Jr. na nagsagawa ang Ad Hoc Advisory Group ng masusing imbestigasyon hinggil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga ng 953 third-level officers, na naghain ng kanilang courtesy resignation habang nakabinbin ang imbestigasyon.

Sa 953 mga opisyal, inirekomenda ng Grupo ang pagtanggi sa 935 courtesy resignations at tinanggap naman ang pagbibitiw ng sumusunod na 18 opisyal:

  1. PBGEN Remus Balingasa Medina O-10038
  2. PBGEN Randy Quines Peralta O-05124
  3. PBGEN Pablo Gacayan Labra II O-03734
  4. PCOL Rogarth Bulalacao Campo O-08477
  5. PCOL Rommel Javier Ochave O-08085
  6. PCOL Rommel Allaga Velasco O-08084
  7. PCOL Robin King Sarmiento O-03552
  8. PCOL Fernando Reyes Ortega O-07478
  9. PCOL Rex Ordoño Derilo O-10549
  10. PCOL Julian Tesorero Olonan O-12395
  11. PCOL Rolando Tapon Portera O-07520
  12. PCOL Lawrence Bonifacio Cajipe O-12905
  13. PCOL Dario Milagrosa Menor O-07757
  14. PCOL Joel Kagayed Tampis O-08180
  15. PCOL Michael Arcillas David O-07686
  16. PCOL Igmedio Belonio Bernaldez O-12544
  17. PCOL Rodolfo Calope Albotra Jr O-08061
  18. PCOL Marvin Barba Sanchez O-08043

Ayon kay Acorda, ang mga nasabing opisyal ay patuloy pa ring binabantayan.

Saad pa niya, ang mga kinakailangang utos para sa kanilang pag-alis mula sa kasalukuyang mga posisyon ay agad na  ibibigay at ang mga nagbitiw na opisyal ay itatalaga sa Personnel Holding and Accounting Unit, Directorate for Personnel and Records Management, upang pigilan sila sa paggamit ng karagdagang impluwensya at/o paggawa ng mga ilegal na aktibidad gamit ang kanilang mga posisyon.

Matatandaang sa simula ng kanyang administrasyon ay nangako si Marcos na lilinisin ang mga ranggo ng PNP, at sinabing hindi magkakaroon ng problema sa droga nang walang pagkakasangkot sa mga opisyal ng pulisya.

Ipinahayag din ng Pangulo sa kanyang pangalawang State of the Nation Address na magtatalaga siya ng mga indibidwal na may “unquestionable integrity” para pangunahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga at binigyang diin na ang kanyang administrasyon ay maglalagay ng bagong mukha sa kampanyang ito.

“In their stead, we will install individuals with unquestionable integrity, who will be effective and trustworthy in handling the task of eliminating this dreaded and corrosive social curse. We cannot tolerate corruption or incompetence in government,” ayon kay Marcos. 

Mariin din niyang ideneklara na ang gobyerno ay walang humpay na ipagpapatuloy ang paglaban sa mga sindikato ng droga,  ipatitigil nito ang kanilang mga ilegal na gawain, at pupuksain ang kanilang mga network of operations. 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila