Monday, November 25, 2024

Revilla, Gusto Gawing 56 Ang Senior Citizen Age

12

Revilla, Gusto Gawing 56 Ang Senior Citizen Age

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Itinutulak ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang pagbaba ng qualifying age para maging senior citizen sa bansa. Mula 60 taong gulang, magiging 56 taong gulang na lang ang edad ng pagiging senior citizen ng isang Pilipino.

Inihain niya ang Senate Bill (SB) No. 1573 na naglalayong amyendahan ang Republic Act No. 7432 na tumutukoy sa isang resident citizen ng Pilipinas na may 60 taong gulang bilang senior citizen.

Kapag naisabatas ang SB 1573, mas maaga nang makukuha ng mga Pilipino ang mga benepisyo na para sa senior citizen, ayon kay Revilla.

“Nararapat lamang na ibaba natin ang edad para maging senior citizen ang ating mga nakakatandang kababayan. Sa panahon ngayon, lalo na at nagkapandemya, madami ang hindi pinalad umabot sa edad na sisenta,” aniya.

“Kaya habang may oras pa e bigyang halaga na natin sila sa pamamagitan ng pagpapaabot ng benepisyo. Tandaan natin na ang mga kamay nila ang humubog kung ano man ang magandang tinatamasa natin ngayon,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng mga kasalukuyang batas, ang mga benepisyong natatanggap ng mga senior citizen ay ang mga sumusunod:

  • 20% discount at VAT-exemption sa gamot, medical supplies, medical equipment, pamasahe (land, domestic air at sea travel fares), hotels, restaurants, recreation centers at iba pang leisure services tulad ng mga sinehan;
  • income tax exemption para sa mga minimum wage earner;
  • minimum na 5% discount sa buwanang water at electricity bills;
  • exemption sa training fees ng socioeconomic programs;
  • libreng medical, dental, diagnostic, at laboratory services sa lahat ng government facilities;
  • express lanes sa lahat ng pribado at pampublikong establisyimento; at
  • death benefit assistance.

“The bill is part of his agenda in championing social justice legislation in the chamber that will benefit many Filipinos, especially the least, the lost and the last.” giit ni Revilla sa kanyang pahayag.

Kaugnay ng SB 1573, inihain din ng senador ang Senate Bill No. 1558 na inaatasan ang mga establisyemento na magbigay ng priority seating para sa mga senior citizen.

Base sa datos ng Philippine Statistics Authority noong 2020, 9.22 milyon ang senior citizens sa Pilipinas o katumbas ng 8.5 percent ng populasyon.

Photo Credit: Philippine News Agency website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila