Wednesday, January 15, 2025

Revilla Nanawagan sa Pagpapaunlad Ng Kakayahan ng Manggagawang Pilipino

9

Revilla Nanawagan sa Pagpapaunlad Ng Kakayahan ng Manggagawang Pilipino

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tinanong ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang Civil Service Commission (CSC) at Professional Regulation Commission (PRC) ukol sa kanilang planong programa para sa pagpapaunlad ng mga manggagawang Pilipino kasama na ang kanilang polisiya, programa, at legislative priorities sa unang sesyon ng Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation ngayong 19th Congress.

Ayon sa chairman ng naturang Senate Committee, kailangang pagtibayin ang mga programa na nakasentro sa pagpapaunlad ng mabisa, people-centered, at merit-based na civil service kasama na rin ang pagsasanay sa mga Pilipinong propesyonal upang makasabay sa pandaigdigang pamantayan. 

“We envision a more efficient and streamlined bureaucracy. We envision the Filipino professionals competing and thriving and being able to work and move freely” ani Revilla.

Dagdag pa niya, malaki ang kahalagahan ng mga naturang ahensya lalo na sa paghain ng mga paksa na nangangailangan ng legal attention. 

Ang CSC ang nakatutok sa Human Resource Management Offices in Local Government Units na siyang nag-aasikaso sa mga manggagawa ng mga local government, pati na rin sa Civil Service Reform Code at Expanded Leave Benefit Act, na nagbibigay proteksyon sa mga ito, at sa mga kontraktwal na manggagawa. 

Sa kabilang banda, ang PRC ang naglalakad sa modernisasyon ng mga patakaran sa Continuing Professional Development Act at mga batas na nagbabantay sa mga propesyonal. 

May karagdagan ding punto ang mambabatas ukol sa mga contractual workers matapos nitong imungkahi na ang mga oportunidad ay abot-kamay dapat ng mga manggagawang may experience o background na sa mga kahalintulad na serbisyo. 

Isa pang paksa na tinumbok ni Revilla at ng CSC ay ang Civil Service Exam kung saan ay aminado ang ahensya na naging problema nila dahil sa pandemya. 

Dahil umano sa mga restriksyon ng pandemya, ang mga slot sa pagkuha ng exam ay naging limitado sa publiko na naging dahilan ng pagbaba ng mga kumuha ng pagsusulit lalo na nitong nakaraang taon. 

Nagkasundo si Revilla at ang CSC na ang problemang ito ay kailangang malutas sa pamamagitan ng pagbubukas ng maraming slot at venue, lalo na ngayon na ang issue sa Covid-19 ay unti-unti nang nakokontrol.

Binigyang pansin din ng mambabatas ang kanyang Senate Bill No. 22 o “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na naglalayong maisabatas ang pamimigay ng allowance para sa gamit sa pagtuturo ng mga guro. Aniya, ang mga guro na importanteng miyembro ng civil service ay malaki ang isinakripisyo sa kabila ng pagsubok dulot ng pandemya.

Natalakay din sa pagdinig ang paksa ng flexible work arrangement, kalidad ng public service, pag digitalize ng licensure examination sa gitna ng pandemya, at ilang modernisasyon sa mga professional regulatory laws. 

“Trust that this Committee will be your ally in pushing for and advocating meaningful and timely legislative measures.”

“We will work hand in hand in the enactment of laws that will serve the greater good of our hardworking civil servants and our government” huling pahayag ni Revilla.

Photo credit: Facebook/bongrevillajrph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila