Tinuligsa ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang sunod-sunod na kidnapping hindi lamang sa metro kundi maging sa mga kalapit na probinsya.
Bagama’t ang ilan sa mga insidenteng ito ay itinuturing bilang fake news ng mga awtoridad ilang linggo na ang nakararaan, muli na namang ikinaalarma ng mambabatas ang kamakailang na-verify na kidnapping sa Cuenca, Batangas, na kinasasangkutan ng isang 32-anyos na lalaki, ayon sa kanyang opisina.
Ang ulat na ito ay napatunayan ng Cuenca Police, na nagsabing naglalakad lamang ang biktima sa kahabaan ng kalye nang dalhin siya ng apat hanggang limang hindi pa nakikilalang mga lalaki na naka-bonnet sakay ng isang puting van.
Matatandaang tinawag na ni Revilla ang atensyon ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 26, 2022. Sa kanyang liham kay Police General Rodolfo S. Azurin Jr., PNP Chief, hinimok niya ang PNP tutukan ang nasabing krimen para maiwasan ang paglaganap nito.
Ito ang nag-udyok sa pagkakahain ng Senate Resolution No. 207, na kanyang inakda, upang siyasatin ang umano’y dumaraming insidente ng kidnapping at kamakailang sunod-sunod na iba pang mga kriminal na aktibidad.
“Sen. Revilla denounces these series of criminal activities for causing widespread panic and fear, thus disrupting the rather peaceful daily lives of our people,” dagdag ng kanyang opisina.
Sinabi rin nito na nangangamba ngayon ang mga magulang para sa kaligtasan ng kanilang mga anak, lalo na sa oras na ito kapag ang mga paaralan ay nagpapatuloy sa face-to-face classes, at ang mga miyembro ng pamilya ay nag-aalala tungkol sa kanilang mga asawa at mga magulang dahil ang mga kamakailang pangyayari ay kinasasangkutan hindi lamang ng mga kababaihan kundi maging ng mga lalaki.
Sa katunayan, sa kinumpirma ng Cuenca Police, na ang biktima ay isang ordinaryong residente ng nasabing komunidad.
Muli namang hinihimok ng mambabatas ang PNP na paigtingin ang kanilang pagsisikap sa pagtugis sa mga kriminal na ito, dalhin sila sa hustisya, at parusahan ayon sa batas.
“It is our bounden duty to act with urgency and put an end to these atrocities. We owe it to our constituents to make them feel safe and secure in their homes and community, and assure them that they have a government that protects them at all times,” ani Revilla.
Photo Credit: Senate of the Philippines website