Sunday, January 12, 2025

Robin: Palakasin Ang Mga Mekanismo Laban Sa Mga Bully Sa Paaralan

4

Robin: Palakasin Ang Mga Mekanismo Laban Sa Mga Bully Sa Paaralan

4

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Panahon na para palakasin ang mga mekanismo laban sa bullying sa mga paaralan, lalo na kapag ang ganitong pambu-bully ay kinasasangkutan ng mga anak ng mayayaman o makapangyarihang indibidwal, sinabi ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla.

Sa isang pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, sinabi niya na hindi epektibo ang kasalukuyang sistema ng pagre-report kung saan ipapaharap ang biktima, ang nam-bully at ang kanilang mga magulang – at pagkatapos nito ay gagantihan ng bully ang biktima dahil nagsumbong ito.

“Ito, sa aking karanasan lang. Madalas ang bullying kasi anak ng mga mayayaman, anak ng pulitiko, e natakot po banggain ng teacher. Kaya siguro po ang akin pong mungkahi amyendahan ng mahal na tagapangulo ang batas na ito, maliwanag natin doon, talagang babanggain natin itong mga ito kasi yan talaga ang bully. Walang bolahan ito, kung sino talaga ang makukulit at mayayabang yan po talaga ang may kapit,” ani Padilla, na nagsabing nakaranas din siya ng pambu-bully.

“Siguro ang pinakamainam niyan magkaroon ng proseso na lihim din, huwag ang normal na proseso na ipatatawag at pahaharapin doon, di nakakatulong yan. Sa aking palagay dapat po baguhin ang ganoong klaseng proseso dahil sa katapusan ng araw ang maiiwan uli doon sa paaralan ang estudyante. Ang magulang at principal babalik doon sa opisina niya. Ang magkikita sa corridor, minsan sa CR ang banatan diyan eh, ay silang dalawa lang at ang grupo. Kaya sa akin magkaroon lang ng tamang proseso sa reporting,” dagdag niya.

Sinabi rin ng mababatas na dapat tumutok ang mga awtoridad sa pagtugon sa mental bullying, lalo na’t mas maraming kabataan ang may access sa mga smartphone at internet. Dagdag niya, ito ay maaaring magbukas ng pinto sa 24/7 bullying online.

Ayon din sa kanya, ang ilang kaso ng “bullying” na walang violent o kriminal na intensyon ay maaari pang maituring na nakakatulong sa social development ng kabataan kung ito ay makatulong sa “Challenges and Survival 101.”

Sa pagsusulong ng pagpapalakas ng mga mekanismo laban sa bullying, sinabi ni Padilla na malamang na kilala na ng pamunuan ng paaralan ang mga bully kahit walang pormal na reklamo laban sa kanila. 

“Di naman nalilihim yan,” aniya.

Idinagdag niya na ang pag-uulat ng mga bully na ito gamit ang kasalukuyang sistema ng pag-uulat ay hindi magiging epektibo dahil magkakaroon ng mental bullying sa biktima pagkatapos niyang iulat ang mga insidente.

Photo credit: Facebook/DepartmentOfEducation.PH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila