Wednesday, January 22, 2025

‘Sa Wakas!’ Kamara Nakahinga Nang Maluwag Sa Pagsisimula Ng RBH 6 Hearing

27

‘Sa Wakas!’ Kamara Nakahinga Nang Maluwag Sa Pagsisimula Ng RBH 6 Hearing

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

“Sa wakas!”

Ito marahil ang nais sabihin ng Kamara nang tiyakin na ng Senado, sa pamumuno ni Senate President Juan Miguel Zubiri, na sisimulan na nilang talakayin ang Resolution of Both Houses (RBH) 6 ngayong linggo. 

This marks a significant step towards the much-awaited constitutional amendments. As Speaker of the House of Representatives, I await with great anticipation the outcomes of these Senate deliberations,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez. 

Ayon pa sa kanya, handa ang Kamara sa ilalim ng kanyang pamumuno para makipagtulungan at umusad ang isa sa pinakamahalagang layunin ng sangay ng lehislatura. 

“Asahan po ng ating mga Senador na kasama nila ang House of Representatives sa misyong ito. Handa kami na umaksyon at aprubahan sa Kamara ang mga pagbabagong ipapasok ng Senado sa ating Konstitusyon, matagal na namin itong hinihintay,” sabi ni Romualdez. 

Sa RBH 6, tatalakayin ang mahahalagang parte ng batas na napapanahon nang amyendahan gaya ng Article 12, 14, and 16, na siyang magpapaluwag sa foreign ownership sa mga proyektong pambubliko, mga educational institutions at sa advertising industry. 

“The move to ease certain restrictive provisions is seen not merely as a legislative exercise but as a crucial step in realizing the aspirations of the Filipino people and unlocking the nation’s full potential,” diin pa ni Romualdez. 

Sa kabila ng kaliwa’t kanang iringan ng dalawang kapulungan, pinuri pa rin ni niya si Zubiri para masimulan na ang deliberasyon. 

I commend Senate President Zubiri for his leadership in taking this bold step forward and look forward to the insightful outcomes of the Senate’s deliberations. Together, we are writing a new chapter in our nation’s history, one that holds the promise of transformative change and enduring progress.” 

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila