Wednesday, January 22, 2025

Salamat HOR! Realignment Ng CIF Sa National Security Funding Tama Lamang

18

Salamat HOR! Realignment Ng CIF Sa National Security Funding Tama Lamang

18

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear members of the House of Representatives,

Gusto ko lang purihin ang inyong desisyon na i-realign ang confidential at intelligence funds ng ilang civilian agencies, kasama na ang OVP at DepEd, upang taasan ang budget ng mga intelligence at security forces ng ating bansa. 

Nagpapakita ito ng dedikasyon ninyo na pangangalagaan ang mga interes ng ating bansa sa West Philippine Sea at kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan.

Ang desisyon ninyo na dagdagan ang mga budget ng mga ahensya tulad ng NICA, NSC, PCG, at BFAR ay nagpapakita ng inyong pagbibigay-priyoridad sa pagtatanggol ng ating bansa at sa karapatan ng ating mga mangingisdang Pilipino.

Mahalaga ang transparency, at ito ay naisaalang-alang sa pag-re-realign ninyo ng confidential funds ng iba’t ibang civilian agencies. Sa pamamagitan ng muling paglalaan ng mga pondong ito upang mapahusay ang mga kakayahan ng ating intelligence community, partikular sa mga panahong ito na nahaharap tayo sa mga seryosong alalahanin sa West Philippine Sea.

Dapat lang na purihin ang aksyon ng House of Representatives na bawasan ang kabuuang P650 million confidential funds ng OVP at DepEd para sa ating national security. Sana ay ipagpatuloy ninyo ang paggawa ng matalino at may prinsipyong mga desisyon sa paglilingkod sa ating bansa.

 

Gumagalang,

Maria Delgado

 

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila