Wednesday, May 8, 2024

Salamat Sa Sakripisyo! VP Sara Pinuri Ang Mga Magulang Ng Mga Nagtapos Sa Senior High

0

Salamat Sa Sakripisyo! VP Sara Pinuri Ang Mga Magulang Ng Mga Nagtapos Sa Senior High

0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Kinilala ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa kanyang talumpati sa 6th Commencement Exercises ng Mangaldan National High School sa lalawigan ng Pangasinan, ang mahalagang papel ng mga magulang sa educational journey ng kanilang mga anak. 

Bahagi ng taos-pusong mensahe ni Duterte sa pagtatapos ng 1,092 senior high school students ay ang pagbigay-diin sa mga sakripisyong ginawa ng mga magulang upang matiyak na ang kanilang mga anak ay makakatanggap ng edukasyon. 

“Ang araw na ito ay para sa kanila dahil sila ang naghirap. Ang kanilang luha, dugo, at pawis ang rason kung bakit kayo nakaupo dyan ngayon,” aniya.

Binigyang-diin din ni Duterte kabilang sa mga dapat bigyang parangal ay ang mga indibidwal na tumatayong magulang at humahalili sa pagbibigay ng suporta para sa mga kabataan.

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial

President In Action

Metro Manila