Saturday, December 21, 2024

SALPUKANG HIPAG-BAYAW! Binay Versus Campos Sa Pagka-Alkalde ng Makati!

402

SALPUKANG HIPAG-BAYAW! Binay Versus Campos Sa Pagka-Alkalde ng Makati!

402

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Lantarang inihayag ni Senator Nancy Binay na may balak siyang tumakbo bilang mayor ng Makati City kahit pa makalaban niya ang kanyang bayaw na si Congressman Luis Campos Jr.

Ayon sa kanyang pahayag sa isang press conference, halos buo na ang kanyang desisyon na tumakbo bilang alkalde ng Makati. Nangangahulugan itong makakabangga n’ya ang asawa ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay sa darating na mayoral election.

“Kung isang bala ‘yung future plans [ko], ang trajectory nya ay talagang papunta sa Makati. Siguro ngayon 70-30 kasi syempre. Ayun na nga, palapit nang palapit [ang eleksyon],” saad niya.

Hindi nag-alinlangan si Sen. Binay sa kanyang desisyong makipag salpukan sa kanyang bayaw dahil aniya, mas importante ang kapakanan ng pag-unlad ng komunidad kaysa sa relasyon nila sa pamilya.

“Kapag talagang sinabi ko na tatakbo ako, na-input na ‘yun, malungkot man pero at the end of the day kailangan what will be good for Makati ang consideration. Kung kailangan i-sacrifice yang in-law relationship para sa mga kababayan ko sa Makati, we have to sacrifice.”

Saad pa ng senadora, may mas maraming isyu na dapat mabigyan ng agarang solusyon at hindi dapat tignan bilang balakid sa kanyang pagtakbo ang kanyang bayaw na si Campos.

“Syempre ang consideration ko is parang at the end of the day hindi ko pwedeng pabayaan yung mga kababayan ko sa Makati. Kailangan ang mag aalaga sa kanila ay kayang ibigay ang pag aalagang ibinigay ng mga Binay,” aniya.

Maalalang sa naunang pahayag ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay, sinabi nitong si Cong. Campos ang nais niyang pumalit sa kanyang puwesto upang mamuno sa Makati City.

“It’s clear. There are still many projects that need to be done after 2025, and there’s only one person I trust to do them, and that’s none other than my husband,” aniya.

Photo credit: Facebook/SenatorNancyBinay, Facebook/CongressmanLuisNCampos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila