Thursday, November 21, 2024

SALUDO SI CONG! Quad Comm Pinuri Sa Laban Kontra EJK, POGO

390

SALUDO SI CONG! Quad Comm Pinuri Sa Laban Kontra EJK, POGO

390

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinuri at pinasalamatan ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr. ang Quad Committee ng House of Representatives dahil sa walang patid paghahanap ng katotohanan sa usapin ng mga Philippine offshore gaming operators (POGO) at extrajudicial killings (EJKs) sa bansa. 

Ang komite ay binubuo ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order at Safety, Human Rights, and Public Accounts. Pinangungunahan ito ni Representative Robert Ace Barbers (Chair of the Committee on Dangerous Drugs) kasama sina Representatives Dan S. Fernandez (Public Order and Safety), Bienvinido Abante (Human Rights), at Joseph Stephen Paduano (Public Accounts). 

“Through their painstaking efforts, the quad comm has not only brought critical issues to light but also raised the bar for how we should approach investigations in this chamber—with integrity, impartiality, and a clear sense of purpose,” saad ni Bordado.

Aniya, ang patuloy na imbestigasyon ng quad comm ay hindi lang magbubunga ng katotohanan kundi hustisya rin para sa mga biktima at sa kanilang mga pamilya.

Pinasalamatan din ng mambabatas sina Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Deputy Speaker Jayjay Suarez, at Rep. Romy Acop, na tumatayong chair ng Committee on Public Order and Safety. Ang kanilang active involvement, ayon sa kanya, ay instrumental sa pagpapabilis ng pagbigay ng hustisya sa mga biktima ng EJKs at mga ilegal na gawain ng mga POGO.

Dagdag niya, ang mga kasong EJK ay hamon sa kanilang moral na tungkulin, na kailangan nilang harapin nang walang takot.

“Extrajudicial killings strike at the heart of our moral obligations as public servants. This is a matter not just of law but of humanity, and we must work tirelessly to ensure justice for those who have been victimized,” ani Bordado. 

Hindi rin niya pinalampas ang pagkakataon para pasalamatan ang mga kapwa niya mambabatas na walang sawang nagtatanong at sumuri sa ebidensya. Kahit pa hindi nakilahok sa mga interpellation, saludo ang kongresista sa mga kasamahan niyang masinsinang sinaliksik ang mga isyu para isulong ang katwiran.

Sa huli, umapela si Bordado na magkaisa ang mga mambabatas upang magpatuloy ang momentum ng quad comm sa pagtutok sa katotohanan at katarungan, lalo na sa mga kaso ng mga biktima at kanilang pamilya. Aniya, hindi sila dapat magpabaya dahil tungkulin nila ang tiyakin na hindi na mauulit ang mga pag-aabusong ganito.

Ang komite, ayon kay Bordado, ay simbolo ng lumalakas na panawagan para sa transparency at accountability sa pamahalaan.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila