Thursday, January 23, 2025

Sana All! Mayor Vico May Pa-P1,500 Transport Allowance Para Sa K-12 Students

12

Sana All! Mayor Vico May Pa-P1,500 Transport Allowance Para Sa K-12 Students

12

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang social media page na na mamahagi ang local government ng P1,500 transport allowance para sa mga K-12 students. Magsisimula ang pamamahagi ng allowance sa Setyembre 6-15, 2023. 

Humingi rin siya ng paumanhin sa mga Pasigueño dahil sa late na pamamahagi ng mga school supply.

“Ako po ay humihingi ng inyong pasensya. First time lang din natin ito; maasahan niyo na sa susunod na school year ay mas aagahan namin ang timeline,” ayon kay Sotto.

Binanggit din ng alkalde na ang pamimigay ng transport allowance ay isang hakbang bilang pagbawi sa mga estudyanteng Pasigueño.

“Alam kong maraming gastusin pag magpapasukan, kaya sana makabawi ako sa inyo kahit papaano sa pamamagitan ng nasabing cash allowance,” aniya.

Patuloy din ang Pasig local government sa pamamahagi ng vitamins sa mga estudyante bilang parte ng kanilang proyekto na “Malusog na Batang Pasigueño” (MBP). Ngayong Setyembre, magkakaroon sila  ng second tranche ng MBP kung saan mamimigay sila ng gatas, at para naman sa third tranche, mamahagi naman sila ng bigas para sa mga estudyante. 

Maraming mga netizen ang napa “sana all” sa social media ng malaman nila ang proyektong ito ni Sotto. Saad ng karamihan, hindi kailangan humingi ni Sotto ng paumanhin dahil masaya sila sa magandang paglilingkod ng alkalde. Ayon din sa mga netizen, siya ang kanilang susunod na presidente. Wala namang opisyal na pahayag si Sotto patungkol sa posibilidad na pagtakbo niya sa pagka pangulo. 

Photo credit: Facebook/PasigPIO

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila