Wednesday, January 22, 2025

Sana’y Sumaamin Din

21

Sana’y Sumaamin Din

21

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear members of the Congress,

Tila nagiging hadlang ang relihiyon sa pagpasa ng SOGIE Bill.

Dalawang dekada’t pitong taon. Kumbaga, sa edad ng tao dito sa bansa, gagraduate na dapat ng kolehiyo. Ganyan katagal nang nakabinbin sa Kongreso ang Anti-Discrimination Bill noong una itong inihain ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago o SOGIE Bill na sinegundahan naman ni Senator Risa Hontiveros sa 19th Congress.

Sa mahigit dalawang dekadang paghihintay ng isang panukalang batas na magsisiguro ng kaligtasan ng bawat indibidwal na kabilang sa LGBTQIA+ community, libo-libong kaso na ng diskriminasyon at hate crimes ang naitala. Ilang manggagawa na ang nawalan ng trabaho, ilang kabataan na ang napalayas ng bahay, at ilang buhay na ang nakitil.

Ngunit kung napakarami na pala ang mapoprotektahan ng batas na ito, bakit hindi pa rin natin ito naipapasa? 

Relihiyon.

Pinag-aaralan natin mula pagkabata ang ating mga karapatan. Nakalista sa Article III, ang Bill of Rights na karapatan ng sinumang tao ang huwag maalisan ng buhay, kalayaan, o ari arian. Subalit makikita natin sa hindi pagpasa ng SOGIE Bill na tila tinatanggalan ng simbahan ang mga miyembro ng LGBTQIA+ community ng karapatang ito.

Lagi nating napag-uusapan ang religious freedom. Ngunit hindi ibig sabihin nito at may karapatan kang magpataw ng sarili mong relihiyon sa relihiyon ng iba. Ang totoong religious freedom ay ang malayang pagsasabuhay ng iyong pananampalataya. Ang pagpataw nito sa ibang tao ay ang hindi pagkilala sa sarili nilang religious freedom.

Sa dami ng isyung panlipunan ngayon tulad ng divorce at abortion, hindi na ito kasing babaw ng pagkontra sa paniniwala ng mga relihiyosong tao pero ito ay paglaban sa karapatan ng mga maginalized sector tulad ng mga kababaihan. 

Kung hindi man papalaring makapagpasa ng SOGIE Bill ngayon, mayroon ulit eleksyon sa 2025. Sana, bumoto ang mga tao ng mga opisyal na uunahin ang kanilang serbisyo sa taumbayan, anuman ang iyong kasarian, sekswalidad, relihiyon, edad, o uri, kaysa sa kahit anong paniniwala na makakasama sa ibang tao.

Sincerely,

Sophia of Mandaluyong

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

 

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO!  PM ka lang sa aming FB page .

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila