Sunday, December 22, 2024

Sangguniang Kabataan, Extension Of Power Lang Ba?

48

Sangguniang Kabataan, Extension Of Power Lang Ba?

48

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Dear Politico,

Ilang taon din ipinagpaliban at itutuloy na rin ang eleksyon para sa Barangay at Sangguniang Kabataan ngayong Oktubre 30, 2023. Ayon sa inilabas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at National Barangay Operations Office (NBOO) na calendar of activities, simula August 28 hanggang September 2, 2023 ang simula ng Filing of Certificate of Candidacy (COC) at susundan ng Campaign Period sa October 19-28, 2023.

Sa nilagdaang batas ni dating pangulong Rodrigo Duterte na Republic Act No. 11768 o ang Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, binibigyan ang mga tumakbong SK officials ng mga pribilehiyo mula sa monthly compensation, honorarium at iba pa tulad ng pahintulot na huwag kumuha ng National Service Training Program (NSTP) at Philippine Health Insurance coverage.

Maganda sa papel ang layunin ng sangguniang ito – ang ma-empower ang mga kabataan – upang mabigyan sila ng pormal na plataporma kung saan pwede sila makilahok sa pulitika sa murang edad. Ito ay nagsisilbing boses ng kabataan sa mga isyung panlipunan. Nakasaad sa nilagdaang batas na ang trabaho dapat ng Sangguniang Kabataan ay makapag-organisa ng mga programang makakabuti sa kalusugan at pag-unlad ng mga kabataan. Dapat ay bata pa lamang, tinuturuan na maglingkod sa bayan at hindi maging pugad ng korapsyon. Subalit mapapansin natin na ang mga SK ay tinatrato lamang bilang mga taga-organisa ng liga o ng beaucon kapag piyesta.

Ngayong nalalapit na ang election napaisip ako, sa nakalaang 10% na pondo ng barangay sa SK projects, ano-ano pa ang pwedeng programang makapagbibigay ng impact sa buhay ng kabataan ngayon? Matutulad ba sila sa karamihan na politiko na batikang mandarambong? Ang mga mababang posisyon tulad ng SK Chairman at Barangay Officials nga ba ay patuloy na magsisilbing extension of power sa kataas-taasang kaanak na konsehal o mayor. 

Sa kabila nito, karapatan nating humingi ng progresibong plataporma, programa, at proyekto sa darating na eleksyon. Huwag tayong madala sa kasikatan sa social media o sa apelyido ng mga batang nagnanais maging politiko. Dapat ang lahat ay empowered, matatalino at nagkakaisa tungo sa pagbabago. Bumoto tayo ng tama.

Concerned citizen

 

Photo credit: Facebook/SKTramo

 

Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph. 

 

Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang yan sa DEAR POLITICO! PM ka lang sa aming FB page.

 

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila